02/24/2026 06:26:43 PM
![]() |
| Meme na lang kasi ayoko ilagay litrato nun. Meme mula sa Facebook page ng PUP Memes. |
Unang-una sa lahat, walang masama sa manampalataya sa Dakilang Maylikha, kung tunay ka mang naniniwala sa Kanya. Pangalawa—at kahigit-higit din gaya ng nasabi kanina—hindi Diyos ang problema; kundi ang tao mismo – specifically, ang kanyang mga pakahulugan sa relihiyon at ang mga turo sa mga iskriptura gaya ng Bibliya.
Nakakaumay na nga ang balita. Ilang linggo na siyang 'national news item.' Dinaig pa ang maagang deklarasyon ng isang kontrobersiyal na bise presidente na hanggang sa ngayon ay kwenstiyunable pa rin ang mga galawan; pati na rin ang pag-aresto sa mga bwakananginang vlogger na wala nang inatupag kundi mangalat ng mali-maling impormasyon. At lalo na, hinigit pa niya sa pagsapaw sa mga serye ng reunion concert ng isang batikang grupo.
