Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 February 2026

Mr. AA needs an AA

02/24/2026 06:26:43 PM

Meme na lang kasi ayoko ilagay litrato nun. Meme mula sa Facebook page ng PUP Memes.

Unang-una sa lahat, walang masama sa manampalataya sa Dakilang Maylikha, kung tunay ka mang naniniwala sa Kanya. Pangalawa—at kahigit-higit din gaya ng nasabi kanina—hindi Diyos ang problema; kundi ang tao mismo – specifically, ang kanyang mga pakahulugan sa relihiyon at ang mga turo sa mga iskriptura gaya ng Bibliya.

Nakakaumay na nga ang balita. Ilang linggo na siyang 'national news item.' Dinaig pa ang maagang deklarasyon ng isang kontrobersiyal na bise presidente na hanggang sa ngayon ay kwenstiyunable pa rin ang mga galawan; pati na rin ang pag-aresto sa mga bwakananginang vlogger na wala nang inatupag kundi mangalat ng mali-maling impormasyon. At lalo na, hinigit pa niya sa pagsapaw sa mga serye ng reunion concert ng isang batikang grupo.

Alam mo yung hindi naman ikaw dapat na nasa spotlight, pero naging hoarder ka sa halip na sa asawa mo lang yung pinapansin? Ganon. Para kang si Anton Montenegro, brad.

Ilang personalidad na rin ang nagbitaw ng mga opinyon, at lalo na yung mga nagsabi ng tila 'awat na, boy.' Nakakasuya na kasi kahit hindi siya panlasa.

Pero tangina, paano nga ba tayo umabot sa tahasang pamumutakte sa isang Alvin Aragon, tanyag dahil sa pinakaunang naechapwera sa Starstruck na naging kalaunan ay naging asawa ni Izzy Trazona na dati namang kasapi ng Sexbomb Girls? Na nagsilbing ama-amaan sa anak ng dating singer-dancer na transgender? 

At teka, hindi mo suportado ang partner mo? In the great word ng isang Koolpal, “BADING!” 

Plus, hindi maaring masabi na pagmamay-ari ang kapareha mo kahit sabihin mong kasal kayo at nasasabi sa mga pahina dun na kailangang magpasakop ng babae. Boy, hindi lang dahil nasa modernong panahon na tayo. Mali rin kasi yung niliteral mo. Alalahanin mo, may sarili pa rin siyang pag-iisip, emosyon, at kamalayan, gaya ng pagpili niya na makapiling ka’t mahalin.

Sadya ba dapat na maka-offend ang isang 'salita ng Diyos' sa ganitong panahon? Ha, good luck kung yan ang taktika niyo para mangonsensya na magbalik-loob o manghikayat ng mga ka-anib, dahil hindi na kailanman bumebenta ang tila pagbabanta para makalikom ng mga miyembro ng isang simbahan.

At huwag na rin magtaka na kung lahat ng tao ay binangga mo sa anumang kadahilanan ay sasagasa sila pabalik kahit gaano pa sila kabait sa mata. Asahan mo na yan. Please, hindi rin naman ata kalooban ng Diyos na mangupal ng kapwa at gagamitin ang pangalan niya para masabi na matindi ang paniniwala mo.

Besides, uso ang kasabihang 'practice what you preach.' Kung ang sinasabi ng mga Simbahan ay ang “Diyos ay Pag-Ibig,” pero ang tao ay taliwas naman ang ipinapakita? Parang kahit gamitin pa na argumento na “Ang simbahan ay eskwelahan para sa mga makasalanan,” ay gasgas na gasgas na yan, pre. Baka kailangan mong magbasa lalo ng Bibliya at mangausap ng mga pari at pastor bago ka magbunganga sa social media na akala mo ay isa kang siga – este, sugo – na isinugo ng Dakilang Maylikha. Ay, mali, dapat ata ay hindi ka nagso-social media to begin with.

Ang tunay na naniniwala ay nakikita ang liwanag. Hindi ito dapat nakabubulag, maliban na lang kung ikaw ay isang pinabulaanang propeta.

Minsan, ang daming kahulugan na rin ng AA. Pero hindi naman Alcoholic Anonymous ang pakiwari ko dito, kundi Attitude Adjustment. Oo, galing kay Cena yan kahit retirado na siya. 

Ay sorry, FU ba dapat?

Author: slickmaster | © 2026 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Got something to say? Feel free to let us know in the comments section below.