Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, April 2, 2013

First Quarter Storm - 2


4:43:09 PM | 4/2/2013 | Tuesday


Sa nakalipas na tatlong buwan, ano ang mga balita na masarap pag-usapan at ang mga balita na hindi na dapat pang umaalingawngaw sa ere? Narito na ang aking pasada ng mga tirada ukol sa mga maiinit at mallmig na kaganapan sa unang tatlong buwan ng taong dos mil trese. (In no particular order)


Salpukang Erap Estrada versus Alfredo Lim. Dating Presidente ng bansa laban sa isang alkalde ng kabisera nito. Asiong Salonga versus Dirty Harry, na ang kanilang pakikipag-duelo sa isa’t isa ay humantong sa isang morning show sa national TV, at hindi pa natapos ang patutsadahan nang nagkabanggaan sila sa isang forum sa lungsod ng Maynila. Nakakaaliw nga ang kanilang away mula sa usaping serbosyo hanggang sa kasaysayan ng pamumulitika nila hanggang sa kanilang mga personal na tirada. Kaso… yun lang yun? Sa malalimang perspektibo kasi e para silang mga batang nag-aasaran (yung mga grade 1 pupil sa eskwelahan ba). Yun lang, ang corny na. pwede ba, huwag niyo naman gawing tanga ang mga Manilenyo sa asaran niyong dalawa?

Laglagan sa senatorial race. Ayan kasi, parang mga balimbing ang mga ewan.  

Premature campaigning. Pucha, may bago pa ba? Sa sobrang uso niyan, nakakaumay na kaya. Samahan mo pa ng kanilang mga epal poster na tahasang lumalabag sa isang norm nating mga Pinoy na kung tawagin ay “delicadesa.”

Ang pagkamatay ni Lolong. Nakalulungkot lang isipin na ang pinakamalaking buwaya sa mundo ay pumanaw na, kahit hindi naman talaga siya big deal sa headlines. Pero sa kabilang banda, bakit yung mga ibang buwaya sa lipunan, hindi matablan-tablan ng talim ni Kamatayan? O hindi marunong magtanda sa mga karamang natamo mula sa mga kalokohan nila?

Room Nurse comment ni Cynthia Villar. Nakakadegrade lang sa parte ng mga nurse ‘to. Buti na lang nag-sorry na ang lola mo. Pero damage has been done e. Next time, iwas-iwas din kasi sa mga tinatawag na “generalization statement.”

Sigalot sa Sabah. Grabe, after 45 years, ngayon lang napag-usapan ‘to? Panibagong (weh?) agtatalo sa teritoryo sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa. Pero minsan mas masisi ko pa sa usaping ‘to ang mananakop ng bansang Malaysia nun. Kung hindi sila umepal, baka dapat mas naisaayos ‘to.

Ang pamamahiya ni Willie Revillame on-air. Simple lang: “You don’t do that to your audience” (sila lang. hindi naman ako nanunood niyan e). Tsaka may bago pa ba sa mga asal niya sa ere? Tsk, tsk, tsk.

Ang panankal ng dating import sa kanyang kakampi. First time ito naganap sa kasaysayan ng PBA. Kung off-the-court ‘to, hindi maisasapubliko ‘to. Sa sobrang intensed lang ng pangyayari, nagtrend ito sa Twitter,  naging laman ng Yahoo! Sports NBA portion (dahil dating NBA player si Renaldo Balkman, ang tinaguriang Balkmanimal-slash-Balkmananakal). Nagkapatawaran naman sila ng kanyang kakampi sa Petron Blaze Boosters na si Arwind Santos. Kaso, hindi kumbinsido si Kume Chito Salud. Sinasabing may sapi daw talag si Balkman dahil sa minsa’y nagheadbutt siya sa kalabang taga-Puerto Rico. Patay tayo d’yan. Galling sana nito ni Balkman oh. Yan lang ang kumitil sa karera niya sa Pinas.

Marami pang hahgupit. Antabay lang kayo, mga ‘tol. For the meantime, libre ang maglagay ng mga kumento niyo ukol sa isyu na iyun at ang mga suhestiyon niyo na pwede kong talakayain at bigyan ng kuro-kuro.

First Quarter Storm (Ang Mga Tirada Ni Slickmaster Sa Mga Balita Sa Unang Tatlong Buwan Ng Taong 2013) PART 2.
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...