Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Sunday, June 17, 2018

Swept Away!

06/14/2018 10:41:17 PM

Photo from Cary Edmondson of USA Today Sports
Oh. Tapos na ang NBA Finals, mga tsong at tsang. At gaya ng inaasahan ng marami, nanalo ang Golden State Warriors.



Yun nga lang, iilan siguro ang nakapansin na makaka-sweep ang Warriors sa pagkakataong ito laban sa kanilang kalaban sa loob ng apat na taon, ang Cleveland Cavaliers. Tangina, LeChoke na naman sa isa sa mga sinasabi nilang pinakamagaling na manlalaro ng basketball sa kasalukuyang panahon.

Actually, hindi naman siya yung choker eh. Kundi ang koponan niya mismo. Matitimbang ba naman ang mga pangalan nila, tumiklop naman sa banda huli. Sayang na sayang kaya yung game 1 to the extent na halos manuplado talaga si LeBron sa bawat sinuman sa team niya pagkatapos ng regulation.

Sounds unbecoming of a professional ba? Maari, pero masisisimo ba ang kilos niya? Sa totoo lang, hindi rin eh.. Ikaw ba naman ang makaiskor ng halos kalahati ng lahat-lahat na pinukol ng team mo eh. Halos nagtriple-double ka pa. Tapos ang ending mo ay lugmok ka 1-0.

Pucha, kahit naka-isa man lang ang Cavs, e no?

Ang ending ay no match sila sa Warriors na naging second sa Western Conference at pinush ang first-ranked na Houston Rockets sa seven games at iechapwera sila sa kumpetisyon.

Habang ang Cavaliers naman ay nasilat na sweep matapos ang 11 taon. Ironic e no,na sila ang huling team na natalo sa NBA Finals via sweep din. Sampal na naman ito sa legasiya ni Bron.

O ano na, mga tol? Mag-move on na tayo ha? Tutal aminin man natin o hindi, ang pinakagusto niyo naman talagang pag-usapan dito ay kung saang koponan lilipat si LeBron – kung sakali man ay aalis siya.

Saka isa pa: hindi naman lahat ng mga taong nagroot sa either Cavaliers o Warriors ay fans nila o fans ng alinmang team sa NBA eh. Yung iba, dyan, pustahan – natalo sa mga pinusta nila. Kaloka, no?

Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!