Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, June 12, 2017

Filipino Ka

06/08/2017 02:33:56 PM

Filipino ka. 

Isa kang mamamayan ng Republika ng Pilipinas. Pinanganak na Filipino at isinasapuso ito, sa lupa man o sa nananalaytay na dugo. Minahamal kahit hindi halata, na para bang may pagnanasa sa isang tao na hindi mapapasayo kailanman. Nagpapakabayani sa mundo ng mga kontrabida, nagpapakatatag sa mundo ng mga baliw at kapraningan. 

Filipino ka. As in nagpapaka-Pinoy sa mundo ng mga nagpapanggap na iba. Hindi mo kailangan maging singtapang ni Luna o magpakahenyo gaya ni Rizal. Pagka't ikaw ang tunay na makabayan, at hindi lang nasa tinapay. Nagpapakatapat kahit hindi oras ng katanghalian. Mas may utak ka pa sa sisig at mas may puso pa sa saging. 

Filipino ka. Walang partidang pinapanigan. Ikaw ang nasyonalistang tunay, hindi bilang manok na hawak sa leeg ng iilan. Ikaw ay tunay na liberal – as in malaya ang kamalayan at hindi nagpapakaputa sa koral ng mga ganid at mapagsamantala.

Filipino ka. Kayumanggi ang kulay. Hindi dilawan, o lalo ni hindi Mocha. 

Kaya umayos ka.

Author: slickmaster | © 2017 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...