Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, October 31, 2016

PlayBack: Tanya Markova - Ang Darling Kong Zombie

10/11/2016 04:34:54 PM

Mukha man silang gaya ng mga sinauna nilang musika (na medyo madilim, er, dark goth pop rock na whatever), tunog bago naman dahil sa panibagong single ito ng banda na kilala natin sa pangalang Tanya Markova.

Ang Darling Kong Zombie ay ang pangalawang single nila mula sa independent album na Mister Tililing, na may music video na ginawa mula sa direksyon ni Jiggy Gregorio.

<./center>

At kung napapanood mo na noon pa ang ilan sa mga proyekto ni Gregorio, baka sa malamang ay alam mo na ganito ang mga tipo niya na pelikula – medyo gruesome o grotesque na horror film na hinaluan pa ng ibang makamundong bagay gaya ng hallucination sa droga (isang halimbawa) at sex.

Bagamat itong ADKZ ay may halong makesong panlasa dahil sa tema ng liriko at mellow na katunugan; ibang-iba sa tipikal na pop songs na ginagawa nila noon pa man. Yun nga lang, masyado nang mahaba ang halos-walong minutong music video para sa exposure ng mainstream, at dalawang beses na pag-interrupt.

Pero tingin ko, tama lang din yung pag-trato. At least nabigyan ng kahulugan ang kwentong nais ipakita. At magiging tatak na rin siguro ng mga gawa ni Gregorio sa paggaawa ng mga MV ng Tanya Markova ang paggamit ng ibang kanta sa ilang bahagi nito.

Siguro, may ideya na rin kayo kung ano ang maaring susunod na ilalabas nilang kanta sa publiko, no?

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...