Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, October 27, 2016

Modern Virtual Cancer

10/26/2016 01:52:35 PM

Artwork by General Miss A
Sa totoo lang, hindi yata marunong magmove on ang mga tao sa Pilipinas. Nagbago na ang administrasyon, unti-unti na rin nagbabago ang mga kaganapan sa parehong pulitika at popular na kultura.

Pero ang kamalayan ng mga tao sa social media, parang tumatandang paurong e. Kahit makipagtalo ka pa na hindi na bago ang mga ito.


Oo, sa ganun biglang pag-usbong ng populasyon ng mga gumagamit ng sikat na website na Facebook, ganun rin ang paglipana ng mga siraulo rito; ganun din ang mga mababaw. Sabagay, yan ang problema pag masyadong liberal na ang mga tao. Aabuso talaga sa kapagyarihan. Aabuso sa kalayaan. At kahit makipagbasagan ka pa ng bungo, hahanap at hahanap ng malulusutan para lang maing panalo sa bawat pagtatalo. (Kinda ironic lang e no?)

Lalo na kung trip mong mamutakte sa tingin sa mga posts sa Facebook ukol sa mga kaganapan sa pulitka. Sasabihin ko nga lang sayo na humanda ka na lang, sana okay pa ang presyon ng dugo mo pagkatapos, at may mga die-hard supporter dyan na mas nag-aangas kahit sa katunayan ay puro satsat lang naman.

Ganun din ang mga tahasang nagba-bash, na para bang wala nang ginawang matino ang gobyerno sa kanilang mga mata.

Ito ang problema kapag lahat ay may say sa mga bagay-bagay. Ayos nga sana eh. Kaso yung iba, kung hindi baluktot ang lohika, baluktot talaga ang kabuoan ng kanyang utak. At sa labanang ito, hindi mananalo kung sino ang may tamang argumento. Ang mananalo ay kung sino ang makalamang na mema.

Kaya hindi na rin ako magtataka kung sa susunod ay magiging regulado na nang mahigpit ang mga socila networking site dito sa Pilipinas. Pucha, maswerte pa nga tayo kung tutuusin dahil halos walang mga bagay na sine-censor dito sa atin. Pag nagkataon yan, kawawa lang ang mga aanga-angang tao.

Dahil yan ang napapala pag inabuso mo ang social media. Hindi araw-araw ay Pasko. Hindi porket nagtatago ka sa keyboard ay matapang ka na talaga. Yung ilan nga dyan, duwag kung tutuusin eh.


Pustahan.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...