Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, October 6, 2016

May Bagong Sex Scandal! E Ano Ngayon? (v. 2016)

10/05/2016 11:56:55 PM

Sa kaliwa't kanang patutsadahan, sa kani-kanilang mga krusada, may isang anggulong lumabas: sex video diumano ng isang senadora na sa sobrang tanda na ay hindi naman na chix ang datingan.

At seryoso ba ang mga to? Hindi ba nakakaasiwa na makakita pa ng mga ganitong bagay?

Don't get me wrong ha? Kung mapatunayan na tama ang mga alegasyon, dapat nga naman ma-kastigo si Leila De Lima kung siya rin naman ang isa sa mga protektor sa mga kalakaran ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison. Pero may koneksyon pa ba dapat ang isang bidyo niya ukol rito?

Photo credit: Manila Bulletin
Wow. Lakas maka-teleserye naman nito. Pero tangina naman, pati pa naman ang ganyang bagay, kailangan pang i-scrutinize sa Kongreso at Senado? (Lalo na siguro sa nauna.) 

Pustahan tayo: hindi lang sila ang mamumutakte nito; pagpe-piyestahan na naman ito ng publiko na pa-virgin sa publiko. Oo, gaya ng pagiging curious ng mga tao kila Chito Miranda, Wally Bayola, Paolo Bediones, at iba pa.

As if naman bago pa ang sex sa kamalayan natin e no? As if na in a superficial level ay kapami-pamarisan pa kung usapang katawan at galawan lang yan. And tangina, kahit siguro na off-the-record ang lumabas na usapan sa isang timeline photo, pucha naman pare, sana naman pinag-usapan niyo na lamang yan sa isang lugar na kayo-kayo lang nakakaalam. 

Naturingan pa namang pro-life at religious ang isa dyan. Tangina, hipokrito rin pala.

At malilihis pansamantala ang isyu mula sa imbestigasyon ng extra-judicial killings at mga drug business sa Bilibid. Tae. Ang saya na naman ng pulitika ha? Nasa kabilang bakod nga lang ng paritdo ang pabor nito.

Pero tangina naman, ano naman kung may sex video sila. Pwede bang huwag nang pakialaman yan? Parang hindi kayo nakikipagtalik before ah. Ikauunlad ba ng Pilipinas yan?

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...