Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, October 13, 2016

Go To Hell?!

10/11/2016 02:44:21 AM

As much as sinusuportahan ko ang administasyon ng presidente natin, kaso kailangan yata maghinay-hinay ang Kuya natin. Kailangang may magsa-ayos nito sa kanyang lipon sa communications office. (Sorry, Martin Andanar, ngunit kailangan mong maghigpit sa pananala ng impormasyon at pagbibigay nito sa madla.)


Gets ko naman ang punto kung bakit niya sinabi na “Go to Hell” kay Obama eh. Yun nga lang, hindi kasi yan ang akmang tono sa usapang diplomatika. Kung tayo-tayo lang ang nag-uusap, maiintindihan natin yan.

Eh kaso – sa hindi kabutihang palad – hindi. Ang isang simpleng pagbitaw nga ng salita, kaya nang sirain ang reputasyon hindi lang ng pagkataon, kundi ng mga bagay-bagay na nirerepresenta mo eh. Kaya hindi na ko nagtataka kung bakit nakansela ang event ng UFC dito, gayun din kung sakali mang matatangka na ilatag na lamang sa ibang bansa ang Miss Universe.

At yan ang isang anggulo na hindi na rin masabing kasalanan rin ng media. Hindi lang sila ang may-sala niyan. Nung nasa administration na yan mismo. Kahit barahin mo pa yan ng “masyado niyong nili-literal ang pulitika,” eh yun na nga eh. Anong gusto niyo, palituhin lalo ang isipan ng mga taong litong-lito na mula sa balita hanggang sa mga post sa social media?

Gusto naman na puntuhin na hindi porket third world country lang ang Pilipinas ay kakaya-kayanin na ng ibang mas superior sa atin. Lalo na ng isang super-country na gaya ng Estados Unidos.

Pero no man is an island, sabi nga nila. Kaya kung nanaisin ng mga nasa itaas na ipag-withdraw ng ibang bansa ang financial aid na binigay nila sa Pilipinas bilang tulong sa mga naganap na kalamidad, dyan yata tayo sasablay. Eh kung gamitin na lang kaya ito para sa ganoong adhikain, no? Tutal marami pang mga kailangang ayusin dun at sa malamang ay may mga kalamidad na aatake sa bansa sa mga susunod na taon.

At umasal nga nang naayon sa lugar, ayon nga ng isang T-Shirt. 

At sabi na rin ni Agot Isidro.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...