Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, September 8, 2016

Upcoming: Nagma[ma]hal Pa Rin, BennyBunnyBand

09/07/16 02:03:41 PM

Maraming mga magagandang kaganapan sa kalakhang Maynila sa darating na Biyernes. Kung fan ka ng wrestking, may Manila tour ang paborito mong World Wrestling Federation, sakto sa tatlong buwan na hype ang mga naganap sa kabila ng mga maramihang pagbabago sa WWE mismo, mula sa pag-split ng mga brand program hanggang sa pagpili ng roster, hanggang sa mga samu't saring suspensyon na may kinalaman sa kanilang polisiya ukol sa kalusugan.

Pero kung hindi ka naman fan ng scripted na sport para sa isang antigong pang-aliw na palabas, may mga gig naman sa mga paborito mong bar sa Metro Manila.

Pero kung ako sa'yo? May isang magandang gig na magaganap sa saGuijo. At mangyayari ito sa gabi na rin na iyon ng Biyernes a-9 ng Setyembre, taong 2016. 


Nagma[ma]hal Pa Rin, BennyBunnyBand, 1st EP anniversary nila 'to actually. Oo, isang taon na yung pag-launch ng kauna-unahang record ng BBB noon (na pinamagatang Nag[ma]mahal, BennyBunnyBand) na ginanap pa sa B-Side sa Makati. Halos kalapti lang ang dalwang luagr na ito.

Maliban pa riyan, may mga bagay pa na uusbong sa gabing yun. Posible ka na rin makabili ng mga T-Shirt ng WAT UP, kasabay ag webcomic launch mula sa BennyBunnyBand at Ligaya Komiks. Wasak, 'di ba?

Maliban riyan, tutugtog pa ang mga 'to: Glen Tiopez, Kalmado, Dissonance, MilesExperience at Tanya Markova. Baka nga marami pang mang-sorpresa dyan e. Pumunta ka na lang para malamang mo sinu-sino pa ang mga maaring magtanghal nun.

At costume party pala siya: kaya mas okey kung dumayo kayo na kung anu-ano pa ang get-up niyo. Parang cosplay event lang no?

Mura lang ang bayad sa entrada: P200 lang, may libre ka nang isang inumin.

Kaya ano pang inaantay mo, dayo na. Masayang gabi ng rakrakan at costume party 'to.

Mag-RSVP rin kayo sa event page nila sa Facebook.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...