Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Friday, September 23, 2016

GAGO!

09/22/2016 05:16:50 AM

Halos dalawang linggo na pala ang nakalilipas mula noong nag-tour ang World Wrestling Entertainment (WWE) sa Pilipinas. No? Oo, ika-unang beses nilang tumuntong muli noon sa Pilipinas mula pa noong 2009. Sa Mall of Asia Arena nga lang ito ginanap at dinumog ito ng maraming tao.

At siguro, sa dinami-rami rin ng mga pangyayari nun, ito ang mas tumatak sa isipan ng marami: ang mala-antigong pagiging kontrabida ni Chris Jericho. Literal nga na rockstar 'to.


Haha! Parang Gates of Hell lang ah. Kaso hinaluan ng self-slapstick comedy. Oo, self-slapstick nga yun kasi sa sobrang gago niya, hindi niya alam na ang kahulugan ng salitang gago ay jerk. Nalaman na lang niya noong binulong na lang sa kanya yun ni ref habang magsisimula na nun nag laban niya kay Roman Reigns.

Nagago tuloy siya. Hahahahahaha!

Pero on the side, sa kabila ng pagiging sobrang epektibo ng pagka-antagonista ni Chris Jericho, siya pa rin ang hinihiyawan ng mga manunood kesa sa supposedly babyface na si Roman Reigns, ang wrestler na tila heir apparent na sa trono ni John Cena sa mata ni Vince McMahon. Ito ang problema, binu-boo siya kahit hero ang role niya. 

So gago ba tayong wrestling audience o gago lang talaga sila Vince dahil sa pagso-shove nila sa ating mga lalalmunan? Baka nga ultimong si Reigns mismo, naloloka na e. Nagagago na.

Nakakatawa na ang chant ng Duterte sa kalagitnaan ng spiel ni Jericho. Bagay naman na hindi ma-gets ng mga tao sa labas. Ang irony lang: karamihan sa kanila ang tahasang dini-diss ang professional wrestling dahil sa scripted o fake sport ito. 

Nakakatawa rin ang mga gagong 'to no? Humiliate Philippines pang nalalaman. At anong Duterte Punch ang sinasabi niyo? Spear mula ni ang natikman ni gago. Baka nga murahin lang kayo ni Duterte o ng administrasyon mismo dahil nagpapakagago kayo sa isang palabas na hindi angkop sa pagigin utak-gago nito eh.

Kaya malamang ang mga fantard na 'to ay ang mga greatest gago of all time talaga. (Sorry, Chris! And moreover, sorry to myself, may mataas pa pala sa trono ko.)

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

1 comment:

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...