Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, July 6, 2016

Sila Na?! Eh Ano Ngayon!?

07/04/2016 09:49:19 AM

Photo credit: US Magazine
Sa panahon na marami yata ang hindi maka-get over sa nagdaang eleksyon, may isang sumulpot na balita sa mundo ng Hollywood. Well, at least dalawang linggo after matapos ang isang (na naman?!) break-up nila Taylor Swift at Calvin Harris.

Sa sobrang bitter nga nila eh, nagburahan sila ng kung anek-anek na mga alaala nila sa Instagram eh. Akala ko tuloy ay may panibagong kanta tayo na aabangan eh.



Pero ayun nga, sila Taylor at Loki, este, Tom Hiddleston na. Nahuli nga sila nagho-holding hands at nag-MOMOL (ay mali, make out lang pala yun).

So ano naman kung ganun; kung ang paborito mong kontrabida at ang isa sa mga paborito mong singer ay mag-on na?

At paano nga hindi kakakget-over ang mga bruha na nag-over react sa social media? Eh crush nila yan eh. Baka willing pa nga sila magpa-anak sa kanya if ever. Sasabog nga diumano mgga ovary nila kada panunood nila ng pelikulang Thor.

Pero ano naman na kung sila na? Ikauunlad ba ng Pilipinas yan?

At kung nagrereklamo ka – o nagseselos kung bakit sila Taylor at Loki na – aba, anong karapatan mo to do so? Nagseselos ka pag may jowa na ang crush mo? Isipin mo kaya kung ang boyfriend mo ay hindi nagseselos kung may kinababaliwan kang lalake na mas higit na gwapo at malakas ang sex appeal kesa sa kanya Ops, huwag mo kong hiritan ng girls nature yan. Bullshit na lohikang yan oh.

Buhay nila yan eh. Wala kang magagawa kahit birahin mo ng haliparot o malandutay na nilalang si Taylor. Tangina, pustahan tayo, kung iakw yung babae sa sitwasyon niya gagawin mo yan. At mas kakapalan mo pa ng mukha mo, dahil kahit anong gawin mo, kikita ka. Pag-uusapan ka. Papansinin pa ang mga kanta mo. Magkakaroon ka pa ng airplay sa internet at analog radio.

Pero kung for the sake na “may paksa” lang naman ang usapan, aba'y tangina, mas marami ka pa kayang isyu na dapat isalin sa diskurso kesa naman sa pagpatol ng mga kung anu-ano sa Hollywood at showbiz. As if naman hawak mo sila sa leeg, no!

Yaan mo na lang sila. Kung maging sila, e di sila na. Pero kung mauuwi naman rin sa hiwalayan yan soon, at least may bago kang aabangan na kanta.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...