Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, July 5, 2016

Pengeng TF!

06/23/2016 06:20:42 PM

Magkano ang TF mo? Magkano ba ang talent fee mo? Magkano ba ang halaga ng iyong talento? Sapat ba yan na para bang sahod mo sa isang trabaho?

Photo credit: Asa Pinas Eh
O sing-halaga mo ang taong ito?

Teka, sino nga ba ito? Kahit ako, halos wala akong ideya kung sino 'to eh.

Ahh, si Marlou Arizala ba? Pero diyes mil para sa isang birthday event? Bakit, porket naging talent ng ABS-CBN ba?

Teka nga, ano bang talent nito? Umarte ba? Maging butt of jokes sa mga programa? Sabagay, mahirap nga naman yun. Kailangan kapalan mo ang iyong mukha o apog para lang naman sumikat ka, di ba?

Dahil ganyan ang kalakaran sa karamihan sa mga nasa mainstream. Hindi mo kailangan magpakita ng bonggang-bonggang talino para lang ikaw ay mapansin. Minsan, prima fache lang. Lalo na kung ikaw ay hindi naman kagwapuhan pero matindi ang guts para lang umarte. Ganun sana eh.

Kaso kung ilalarawan mo ay puros katangahan o kaistupiduhan lamang, o kung wala ka naman talagang ibubuga at all, ewan ko na lang.

Tapos may gana kayong umangal na bakit ang kapal naman yata ng mukha niya? Na 10K ang hinihinging talent fee, para lang mag-guest sa isang event na di naman gaano matunog, o maging parte ng isang birthday party? Samantalang pustahan tayo, ieenertain kayo sa pamamagitan ng self-slapstick comedy o kayo mismo mang-aasar sa kanya? Aba, mukha nga namang may karapatan siya na maningil ng ganung kataas.

Gago kasi kayo eh. Kung anu-ano ang pinapamarisan niyo sa social media. Hindi niyo ba alam na tila barya nga lang ang hinihingi niya kung ikukumpara sa ibang mga talento dyan sa network na yan?

Yan kasi napapala niyo sa pinapasikat niyo eh. Oo, kasalanan niyo yan. Sa halip na pansinin mo na lamang ang mga astig na tao na hindi nasasaklawan ng internet, wala.

Tapos may gana rin kayo magsabi na basura ang mianstream dahil sa mga ganyang bagay? Gago pala kayo eh.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...