Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Saturday, June 25, 2016

Bigwasan Na!

06/23/2016 11:53:41 PM


Sa totoo lang, parang isang malaking sports entertainment ang nangyayari dito eh. Ang pinagkaiba, hindi ito sa isang wrestling promotion ginanap. At hindi naman sa minamaliit ko ang sport na yun ano (hoy, avid fan kaya ako ng professional wrestling, no?), pero alam mo naman ang nangyayari kapag pinapairal ang ideya ng machismo. 

Bigwasan talaga. Walang aral-aral ng stunt. Walang halong madramang kwento masyado sa lona. Basta training lang silang dalawa.

Pero paano nga ba nagsimula ito?

Cheap shot na nakunan sa isang iral na video. Naku po, mula pa yata noong napanahon na tila na-beast mode si Baron ay sunod-sunod na na naman ang nangyayaring kaganapan sa naturang aktor. Publicity ba? Ewan.

Pero sa likod ng mga 'cheap shot,' sinasabing totoo nga ang mga nangyayari. Bagamat mukhang nagkaayos sila bago nagpirmahan ng kontrata at humarap sa isang staredown sa press, parang pautot na lang din to. Parang nakakapagduda na ayos talaga ang dalawang ito. Obvious naman sa mga sumunod na video clip eh.

Ayos e no? Mixed martial arts na ang training nila. Mukhang matinding sagupaan talaga ang magaganap nito sa Sabado. Sarap sana manood nito sa TV eh.

Basta, bigwasan na lang. Pagkatapos nito, sana naman ay magmahalan kayo e no? Hahahahaha!

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...