Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Friday, April 15, 2016

OA much?!

04/14/2016 04:24:56 PM

Alam mo, as much as gusto kong intindihan ang pinaglalaban ni Mystika. Kaso is it just me or na-o-OAyan lang talaga ako sa video niya na ito?



Kumalat ito sa Facebook nitong araw. Umani naman ito ng samu't saring reaksyon. Malamang, kabadtripan lang. Dahil kahit hate mo si Duterte, baka nabato ka na rin. Parang gusto mo na lamang tanungin siya ng “Ate, ano pong pinaglalaban niyo po?”

I get it: lahat naman tayo may kanya-kanyang pananaw sa mga bagay-bagay, lalo na sa usapin ng pulitika. Pero kelangang sumobra sa pagiging passionate, ateng? Over masyado e. Nakakaurat kaya.

Oo, tumingin tayo sa gustong ipahiwatig. Ayaw nya kay Digong, ay... sorry “PUTANGING DIGONGGONG!!!” (with matching emphasis sa kumpas ng kamay at pagbuka ng bunganga.)

Nakuha ko. Pero ang mga bagay-bagay ay may kanya-kanyang tono. May emosyong kinaakmaan. Iba ang pagsasabi ng disgusto sa pangbabash, at higit sa lahat...pag-iinarteng gaya niya.

Hindi kaya lasing siya noong kinunan ito? Tangina, kahit isang di kilalang entertainer ay hindi gagawin yan sa isang ordinaryong gabi eh. Magtanghal man ng patawa o seryoso.

O baka naman high siya sa droga, (at kung ganun) yan ang patunay lang na wag kasi sosobra sa gamit. Yan tuloy oh.

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...