Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, April 21, 2016

Malanding Political Fantard Problem: FO na!

04/21/2016 10:25:23 AM

Ito ang panahon ng eleksyon. Panahon para makialam ka sa lipunan kahit minsan lamang sa mahabang panahon. Panahon para magkaroon ka ng paninindigan. Panahon para alamin, tuklaisin, kilatisin, busisiin ang nararapat na maihalal bilang representante ng ating lipunan.

At maaring panahon ito ng pagkakaroon ng hidwaan sa paniniwala o perspektibo pero hindi ibig sabihin nito na panahon rin ito para awayin mo ang hindi sumasang-ayon sa iyo.

Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh. Ang daming matatalino pero marami ring nagpapanggap na self-righteous na tanga. Na akala ay sa kanya lang umiikot ang mundo—gayun din ang dikta ng pamumuno sa bansang Pilipinas. Na akala ay siya lang ang sinugo ng Diyos para isalba ang bansa mula sa kumunoy ng katiwalin at oligarkiya. Na akala ay siya lang ang nakakaalam sa susi ng kayamanan para sa isang masaganang Pilipinas.

As in parang siya lang ang tama. (Baka may tama, oo.)

Aba'y mas malala pa pala kayo sa mga pulitiko kung ganun, ano po? Aawayin mo ang katrabaho o kaklase mo? Makikipagespadahan ka (ng dila sa dila, tutal pareho naman kayong matatalim ang ganyan) ng iyong kapamilya, kabarkada, kapatid, kapuso, kapedersasyon, kapareha mo dahil hindi niya iboboto sa Mayo ang kanidadtong gusto mo?

Aba'y mga gago pala kayo eh.

Maaring nagkakaroon nga ng clash of ideas and beliefs rito sa kasalukuyan, pero patunay lamang yan kung anong klase tayong bansa: isang archipelago. Isang malayang archipelago na obvious naman sa promasyon ng ating mga rehiyon at isla. May rehiyonal na mentalidad, bagay na since time immemorial ay nage-exist na sa ating kamalayan (at isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit isang malaking kapalpakan ring maituturing ang mga himagsikan noon).

Alam ko, kailangan natin ng pagkakaisa. Hindi makakailang masarap sa pakiramdam ang ganun. Pero sa tingin mo ba, kailangang magkaroon ng digmaang salita sa puntong ito? Kailangan ba nating umastang keyboard warrior o gangster para magkaroon ng isang diskurso sa pamumulitika? Siguro, dahil na rin sa mga ipinakitang mainitang pagtatalo sa mga eksena ng Heneral Luna, pati na rin sa ibang pelikula na may halong pulitika ang tema.

Dahil nasa isang malayang lipunan tayo, malamang, mayroon ring mga choices na nakalatag sa atin. At hindi naman pare-pareho ang utak ng bawat tao. Pero ang kailangan ng tao ay ang edukasyon ukol sa pagboto. Voter's education ba. At hindi maituturing na voter's education ang kastiguhin ang bawat tao na hindi sumangguni sa choice mo. Hindi counted ang pambubully para makatulong ka sa kapwa.

Ikaw kaya ang mabully? As in gawin ko kaya yan sa'yo? Parang sabihan ko kayo ng alinman (o mga magkakatulad) sa mga ito:

“Tangina, bobotante ka kasi binoto mo si Binay. Magkano binayad niya sa 'yo?”

“Tangina, rapist ka no? Sinusuportahan mo ang rape culture dahil iboboto mo ang idol mong si Duterte?”

“Kaya hindi uunlad ang Pilipinas e. Alam mo na ngang epal at hawak ng mga ganid na elitista tong si Poe/Roxas e iboboto mo pa yan, tapos pag di mo naramadaman ang pag-unlad sasabihin mona 'tangina tong presidenteng to oh!?' Ang gao mo naman yata, tsong.”

“'Yang si Miraim boboto mo? Tangina, di naman mananalo yan e. Mamatay rin yang baliw na yan! O baka nabaliw ka na rin sa kanya, no po?”

At kahit gumanti ka man, aminin mo, masasaktan ka rin, 'di ba?

Ganito kaya: kung gusto mo talagang ma-persuade ang mga tao, matuto ka kayang magsales talk? Oo, since binebenta mo naman sa kakilala mo ang pulitkong personal mong inieendorso? As in sabihin mo kung ano ang magaganda sa kanya? Pero magpakafair ka rin. Aminin rin ang mga flaws niya pero ipaliwanag kung bakit ito nangyari, ano ang ginawa niya para maitama ito, at bakit sa kabila ng lahat, ay siya pa rin ang dapat mailagay niya sa balota. At dapat gawin ito anng walang halong panunumbat, galit, at kung ano pa na maaring ikasira ng ugnayan niyo sa isa't isa.

Oo, galangan ba sa paniniwala ng iba. Who knows, baka dyan ay magkaroon siya ng idea at marealize na “Tangina tsong, tama ka. Ito dapat iboto ko.”

Mas ayos yun, 'di ba? Yan ay kung matuto ang bawat isa na magkaroon ng bukas na isipan (ops, hindi to business, tsong). At papano magkaroon maging open-minded? Matutong makinig sa sinasabi. Huwag maging one-sided. Ayos makipag-engage sa isang mainit na usapan as long as willing kang makinig. Dahil dun lang naman madadaan yun eh.

Ayos lang tumayo sa kung anong pinaniniwalaan mo. Ayos lang din kung magkaroon kayo ng pagtatalo ng mga kasmaa mo sa buhay. Pero aminin natin: ayaw nating magkaroon ng mortal na kaaway dahil sa isang isyu gaya ng pulitika, 'di ba? As in yung literal na matapos  ang pagiging BFF (Best Friends Forever tayo, pare!!!) niyo, matapos lamang ang usapang PiliPinas Debate, FO na (as in Freisndhip Over na tayo, tangina ka!) kayo, and then 'pag nagkita kayo ay parang gusto mo siyang patayin dahil lamang sa di niyo pagkakaisa sa paniniwala sa pulitika.

Hoy, umayos nga kayo. Huwag naman ganun, tol.

Kung pinahahalgahan mo ang ugnayan ng tao gaya ng iyong prinsipyo mo sa buhay, malamang marunong ka naman siguro umintindi.

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...