Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, January 11, 2016

Tirada Ni SlickMaster: Erratum

1/10/2016 1:24:17 PM

Sumakabilang buhay si German Moreno noong nakaraang araw ng Biyernes, alas-3:20 ng madaling araw. Ayon ito sa kanyang pamangkin na si John Nite.

Ngunit hindi biro ang marinig yung balita na kanyang pagpanaw, lalo na sa mundo ng maraming mapaghusga, at sa isang larangan ng perpeksyonista na kung tawagin ay media.

Nagkamali kasi sa pagpaskil ang GMA News nung una e. Hanggang sa kinumpirma na ito mismo ng kanyang pamangkin. Nagukha itong piatay pa lamang sa balita e.

Sabagay, nag-apologize rin naman ang GMA sa pagkakamali e. Hayaan na natin. Parang hindi naman tayo pumapalpak sa mga pino-post natin sa social media e no. Oo, kahit sabihin pa natin na isang malaking balita yan. Nangyayari talaga yan. Tignan mo na nga lang ang nangyari kay Steve Harvey last year. Pustahan tayo, kung tama pala ang resulta na yun ay baka naging racist na naman tayo dahil sa kulay ng nanalo. Pero ibang isyu na yan at punyeta magmove on naman tayo.

Kung may problema na lang tayo pagdating sa pagpuna ng mali, yan ay... Ang kanyang edad. Yung ilan, nagsabi na 82 siya nung namatay, samantalang ang iba naman, 72.




Naku. Ano ba talaga, mga ate’t kuya? Pati yung artikulo sa Wikipedia, nahihilo na e.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...