Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Friday, January 1, 2016

2016 Na! E Ano Ngayon?

12/13/2015 3:28:23 PM

Bagong taon na, ano magbabago ka pa ba?

Naku, huwag na. Ano namang babaguhin mo? Ano naman ang bago kung magbabagong taon na? Ano naman ang mga mangyayari ngayong 2016? Maliban sa mga hula na sinesensationalized ng mass media at ginagawang panakot sa madla?

2016 na! E ano ngayon? 

Malapit na ang halalan. Asahan mo na ang pagiging mapapel ng ilan sa radio, TV at internet. Pero siyempre, gawin mo ang parte mo no. Hindi yung dada ka naman nang dada pero hindi ka naman pumunta sa presinto ay nilagay ang mga pangalang nais mong ihalal sa balota. Tapos ang masaklap pa nito ay nagtatapon ka pa ng basura sa hindi naman basurahan. 

Tapos pagkatapos ng lahat ay sisisihin mo pa ang gobyerno? Aba’y gago ka pala e no?

2016 na! E ano ngayon?

Yung WrestleMania sa Texas. Kaso ang boring. Hindi pa rin champion si Roman Reigns. Bwakananginangyan. Naolat sa Royal Rumble nung 2014, nanalo noong 2015, pero naolats lang ng si Seth Rollins ay nag-cash in. Tapos nanalo nga noong Survivor Series, kaso ang tinagal lang ng reign nya ay five minutes.

Tanginang yan. 

2016 na! E ano ngayon?

Uy, summer Olympics na ulit! Makapasok kaya ang Azkals at Gilas sa at least isang laro sa Rio de Janiero? Puso! Pero hoy, gamitin din ng utak. Hindi lahat ng silakbo ng emosyon ay tama. Wag kang gago’t gaga. Ang sports ay hindi lang ginagamitan ng katawan. Stretehiya din. Isipan.

2016 Na! E ano ngayon?

May madidisband na naman ba? Balita raw wala nang Kamikaee saka Urbandub? Huwag naman sana. 

Kayo kasi: tangkilikin niyo naman yung mga musikero na talagang magbibigay ng halaga sa buhay, hindi yung punyetang kababawan gaya ng mga artistang pinilit lang maging singer. Pinapatay niyo yung industriya na nagbibigay ng aliw sa inyo e. Puro kayo teleserye kaya araw-araw na lang ay nagkakandaleche-leche.

2016 na! E ano ngayon?

Ay, AlDub pa rin? Lumipas na yata ang Tamang Panahon, yan pa rin? 

Magbago ka kayo hoy! Trabaho at pagkain ang inaatupag pag tanghali.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...