Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, December 1, 2015

Tirada Ni SlickMaster: Womanizer Daw

11/30/2015 7:57:50 PM

Okay, umamin si Davao City mayor at ngayong tatakbong president sa 2016 elections na si Rodrigo Duterte na isa siayng babaero. Misogynist, o womanizer sa ibang terminolohiya.

Ngayon, ano na? Ano naman ngayon?

Nagulat ba kayo? Namulat ba kaisipan niyo sa mundo ng pulitka? Na ito ay maruming laro at bawal sa mga kunwaring malinis unless ikaw mismo ay malinis ang buhdi since Day 1?

Malay mo: stratehiya yan para makilala talaga kung sino ang sumusuporta sa kanya sa hindi. Ito kasi ang problema eh: ang mga tao, pipili lang talaga ng sinusuportahan na tao—artista man yan, atleta, o pulitiko—hangga’t hindi niot nakikita ang kanyang baho.

Ang lipunang ito ay nagmamalinis. Nabubuhay sa isang pamantayan na dapat ay perpekto ka. Wala kang bahid ng dumi sa iyong balat. E ang problema: Tao ka pa rin. Nagkakamali. Kung si Duterte man ay nambabae nun, e may pinagkaiba ba yan sa ex mong two-timer? May pinagkaiba bay an sa dati mong asawa na niloko ka pero ikaw nagpapakatanga? O sa tropa mo na babaero na nga tinotolertae mo pa (lalo na kung babae ka na ayaw na ayaw mo sa mga ganyang bagay).

Quits lang.

At bagamat mali naman talaga si Duterte dito sa usapang moralidad, at least may bayag siya para umamin sa kasalanan sa mata ng tao at Diyos. E yung iba? Kung hindi naghahanap ng dahilan, naghahanap ng taong mapagbuntungan ng hintuturo. O, ba’t ‘di totoo?

Hanga ako, seryoso. Nagpakatotoo siya e.

Kaya sa kung ikaw man ay boboto man sa kanya, huwag mo na lang tularan. At least patunay lang yan na kahit ang mga bantog na tao (lalo na yung mga nagsisilbing ehemplo sa mga kapwa tao nila) ay mga tao nga naman. Wala namang perpektong lider e. Tignan mo yung iba, kung hindi tiwali, epal. Kung hindi traydor, hipokrito. Kung hindi tunay na Pinoy, nasobrahan namand aw sa talino.

Ulit. Quits lang. Nasa pagtitimbang natin yan kung sino ang ihahalal natin.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...