Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, December 9, 2015

Sellout Daw?

12/8/2015 9:29:48 PM

Maraming naburyo nung pinili ni Ramon Bautista na endorsohin ang kandidato sa pagkapangulo na si Mar Roxas.

Anak ng pating? Pagkatapos niyang gawang katatawanan ang pagpi-fist bump ni Mar nun sa palabas nila sa Internet na KONTRABANDO? Ganun na lang yun?

Ano ka, sellout gaya ni Seth Rollins sa storyline ng WWE ngayon? Ano ka, isang hipokrito na kinain ang mga salita ukol sa mga patutsada mo sa lipunan at pulitika? Magkano binayad sa’yo?

Yo, madaling sabihin ang mga ganyang bagay, actually.Napakadali dahil sa nasa isang malayang lipunan tayo. Na para bang kukutyain na lang natin ang bawat tao—ultimo ang kaibigan at kamag-anak—pag sila’y kontra o tumuligsa opinyon mo sa pulitika.

Ngunit hindi kasi lahat ng mga bagay ay nakikita ng media. Hindi lahat nadodokumento. Sabihin pa man na usapang kaching yan. Malay mo, sa dinami-rami kasing nga naglabasang baho sa mga tao (kahit ang kinamumuwian natin na presidentiable mismo), ay hindi na yata natin napapansin ang mga likas na busilak na kalooban ng isa—at hindi lang ito applicable sa mga pulitiko, kundi sa bawat isa sa atin.

Malay natin, may nakita pala si RB na kakayahan ni Mar para maging pangulo ng bansa—at least sa kanyang pananaw.

Sa totoo lang, isa rin naman ako sa mga nadismaya sa desisyon niya yun e. Pero may magagawa pa ba tayo, maliban sa pwersahan na ipangalandakan na mali siya sa pagpasya? Well, wala.Freewill nya yan e, gaya ng pagpili mo sa sinumang iboboto mo ngayong 2016. 

Hindi ko rin masasabi na sellout siya dahil bottomline: pinili niya pa rin yan. Sa kabila ng lahat tingin mo magpapauto na lang sa pera ang naturang komedyante? Samantalang tangina, siya na nga lang ang isa sa mga ‘hipster’ type sa lipunan ngayon e. Hipster na nakuhang maging sikat sa pamamagitan ng paggamit utak at hindi sa pagpapakatanga sa ere.

At sa totoo lang, maari ka ring mapuna ng ibang tao na kilala mo dahil sa pagpili sa manok mo. Kay Duterte kasi marahas siya masyado. Kay Binay dahil sa nognog na nga, tiwali pa. Kay Miriam kasio may sapak daw. Kay Poe kasi hindi naman Pinoy. Kay Mar dahil epal.

Gets mo. Quits lang kayo kung tutuusin. Nagkataon lang na si Ramon Bautista ay sikat, pero gaya mo na may say sa eleksyon at sa kung sinong ilalagay sa balota sa darating na Mayo. Kung ayaw mong maniwala, basahin mo na lang tweet ng tropa na si RA Rivera.


Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...