Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, November 19, 2015

Throwback: Butt Exposure v. 2.0 (2014)

11/21/2014 09:19:29 AM

(This is an old post)

Ano ang meron sa litratong ito?
Oo, yun nga, butt exposure din. At hindi lang siya exposure, cover pa siya ng isang magazine. Oo, si Kim Khardashian nga tinutukoy ko.

Wow, bare back-naked ang lola mo. ASTIG.

E ano naman kung ganun?

Nag-hit sa internet ang litrato niyang iyun.

Eh ano pa bang bago dun? Eh mas bumebenta ang mga kontrobersyal na bagay sa internet, lalo na sa isang premyadong social networking site gaya ng Twitter?

Besides, isa siyang sikat na personalidad na tampok sa isang reality show, 'di ba? Na kinabibilangan nga niya ang buong pamilya?

Isang elitista-slash-artista-slash businesswoman na naging tampulan ng usapan dahil sa isang sex video scandal nun ng kanyang boypreng si Ray J noong 2003. Siya na minsa'y naging asawa ng isang manlalaro ng National Basketball Association, na pagkatapos ng 72 na araw ay nakipagdibosiyo din, yan ay sa kabila ng kanilang magarbong kasal. Tapos ngayon, asawa siya ng rapper na si Kanye West at may anak na ang pangalan ay (wag na tong i-drumroll, please) si North West.

Ano ang patunay nito? Na masyado nang sexy ang satndard ng lipunan natin? Na kailangan ba ay malaki ang pwet mo para maging astig ka sa buong lahi ng mga kababaihan sa mundo? Na halos walang pinagkaiba na sa batayan na dapat ang isang babae, para matawag siyang sexy at in sa trending ngayon ay malaki ang boobs, at payat ang pangagatawan?

O masyado nga lang talaga tayo mapaghusga bilang isang lipunan, na karamihan pa riyan ay ubod din ng tanga?

Ay, ewan.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...