Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Saturday, May 23, 2015

Tirada Ni SlickMaster: West Valley Fault

05/21/2015 08:43:57 PM

Anong meron?

Bakit may West Valley Fault sa Philippine trends sa Twitter nitong nakaraang Martes at Miyerkules?

Well, marami kasi ang nabahala ukol sa isang balitang nilabas ng PHIVOLCS, na isang malaking lindol ang maaring maganap sa West Valley Fault.

Ows, weh? Di nga?



Well, hindi nagbibiro ang mga ito; kahit makipagtalo ka pa't sabihin na “Walang sinuman ang kayang makapagpredict ng isang lindol. Hindi ito gaya ng mga bagyo.”

Oo. Tama ka dun. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na rin sila magbibigay ng babala, ano.

Pero ano pa bang bago sa balitang ito kung tutuusin? Parang since time immemorial ata ay nag-eexist na ang mala-panakot na babalang ito e.

Kung mapapansin kasi: since nung tinamaan ang Luzon—partikular ang lungsod ng Marikina—ng bagyong Ondoy, ay sumulpot din sa maisnrteam news ang item na ito. At kada pagkakataon na nalalagay sa estado ng alanganin ang naturang lugar, pati na rin ang mga naglalakihang kalamidad dito man sa Pilipinas o sa ibang panig ng mundo, ay dinaragdag sa lineuip ang balita ukol sa West Valley Fault.

Ayon kasi sa PHIVOLCS, apat na beses na gumalaw ang West Valley Fault (na may dating pangaklan na Marikina Valley Fault). At ang huling matinding pagyanig daw nito ay noong taong 1658 pa.

So, ang sa lagay ba ay over-sensationalized na ba?

Kunsabagay, kung oobserbahan kasi ang kabuuang hulma ng lupa at istruktura ng Kalakhang Maynila ngayon, mapapansin na ang tila-lambak ang istura nito na tinayuan ng mga bahay. Hindi naman urban jungle ang datingan ng naturang terrain.

Sinasabing ang the big one ay maaring nagtataglay ng lakas ng Magnitude 7.2 na lindol na kayang sirain ang anumang istrukutra. May kakayahan din ito na kitilan ang mahigit 33 hanggang 35 libong buhay.Ayon na rin ito sa mga naunang ulat ng Japan International Cooperation Agency.

Mas nakakatakot ba ito sa SAW, Conjuring, Anabelle, at Sadako, mas nakakathrill ba ito kung ikukumpara sa The Day After Tomorrow, 2012 at San Andreas? Hindi ko masasabi. Daig pa nga ata nito yung mga damagae sa mga napapanood mong Ultraman, Shaider o Voltes V na palabas e.

Isang bagay ang sigurado: nakakatakot pa rin siya—to the extent ha hindi kailangang magparamdam ang mga nilalalng na nakikita mo sa horror movies.

Anu-ano ang mga maari mong gawin? Sumama sa mga earthquake drill, maging maalam sa mga tiops kung ano ang pre at cautionary mesaure na gagawin. At higit sa lahat, tignan ang lugar na kinatitirikan.
At kung sakaling pumalya ang lahat, baka kasalanan pa ng kuya mo ha? Kaya nga West Valley FAULT, 'di ba?

Pero anyway, walang makakapgsasabi kung kelan eksakto tatama ito. Maging handa na lang.

Ay pucha. Sabay naalala ko. Habang sinusulat ko ito...

…ay nasa West Valley Fault pala ako.

Author: slickmaster | (c) 2015 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Kaya nga naghahanda na rin ako eh, lalo na't ako na lang ang mag-isa dito sa bahay sa Montalban. Lumipat na rin kasi sina Mom sa new house namin sa Antipolo. Di baleng masabihan na ako ng iba na "napa-paranoid" na ako, but since Elementary kasi, Science teachers taught me that earthquake happens everyday. By next week or as long as may budget na ulit ako, I wanna invest na rin sa survival kit.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!