Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, April 20, 2015

May "Happy 420" Ka Pang Nalalaman Dyan?

4/20/2015 11:48:48 AM

May Happy 420 ka pang nalalaman dyan?!

Ano nga ba ang 420? Ayon sa mga nakakaalam, “weed day” daw ito. Sinsasabi na nagse-celebrate ang mga tao sa pamamagitan ng pagsmoke ng cannabis sa dakong 4:20 ng hapon ng ika-20 ng Abril. Hindi nga lang dsigurao kung 420 ang tao na gumagawa nito.

Ayon sa iyong best friend twing tinatamad kang magresearch na itago na lang natins a pangalang Wikipedia, ang orihinal na gathering nito ay sa istatwa ni Louis Pasteur sa San Rafael High School sa California.

Pero ang cannabis, sa mga hindi nakakaalam, ay isang legal na termino para sa alam ng karamihan sa atin na marijuana.

Pero... happy 420?

Sinasabi na socially acceptable ang pagganmit ng cannabis sa ganitong oras o petsa. At ipinagdiriwang ito sa ilang lugar sa mundo.

Siguro kung legit kang gumagamit nito, okay lang. As long as hindi ka aabuso. Ang hirap kasi sa tao ay ganito – umaabuso sa mga bagay-bagay. Kaya tuloy siya ipinagbawal. Para sa mga may karamdaman kasi dapat ang cannabis (kung ikaw ay nakatira sa mga bansang legal ang pagagamit – at may reseta mula sa iyong mga doktor), at hindi para sa enjoyment niyo.

Pero still, kung pwedeng wag lang tumira ng droga, huwag.

Pero... happy 420? Simula noong naging talamak ang paggamit ng mga social networking sites ay pumapatok t’wing April 20 ang Happy 420. At malamang, may mga makikiuso kahit hindi nila alam ang ganung bagay. Anong bago dito? Okay lang sana maging curous eh. Oo, okay lang, yan ay kung kaya mo talagang maisikmura ang alamin ang mga bagay-bagay sa halip na magsalita ka nang panay hangin lang ang laman ng iyong ulo.

At lalo na kung wala ka pa sa wastong edad para makiuso.

May pa-Happy 420 ka pang nalalaman? Alam ba ng magulang mo yang pinagagawa?

May pa-Happy 420 ka pang nalalaman? Samanatang yung grado mo, parang Thinking Out Loud lang... 70!

May pa-Happy 420 ka pang nalalaman? Alam mo bang bawal yan dito sa Pilipinas?

May pa-Happy 420 ka pang nalalaman? Alam mo bang magkano ang isang gramo niyan? Sobrang mahal pa yata yan sa paglamon mo sa isang buong araw.

May pa-Happy 420 ka pang nalalaman? Ilang taon ka na? Kaya na ba ng katawan mo na makahithit niyan? Baka mamaya amoy pa lang, lasing ka na kagad ha?

Kung mangmang ka lang naman na nakikiuso dyan, Happy 420 mo mukha mo!

Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...