Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, November 19, 2014

Victim Mentality and Telenovela Syndrome

8/13/2013 5:26:29 PM

Hindi ako isang tao na maalam sa behavior ng tao. Pero kahit sikolohikal pa ang talakayan, hindi makakaila na madalas itong makikita sa ating lipunan. Ang mentalidad ng isang “biktima.”

Mas kilala bilang inaapi, o underdog, ang isa sa mga mindset nating mga Pinoy ay ang tinatawag na “victim mentality.” Ayon sa isang blog na aking nabsasa sa mga website ng Get Real Philippines at Definitely Filipino, dito tayo magagaling… sa pag-aarte bilang mga biktima. Parang mga paborito nating bida sa mga telenovela.

Bakit ganun? Dahil likas sa atin ang pagiging emoyonal at sensitibo. Pansinin mo, mas madalas mo mapapansin ang mga ito pag nanunood ka ng mga ganun palabas. Laging inaapi, laging sinasaktan. Palaging umiiyak (siyempre, ano ba naman ang drama kung hindi iiyak ang bida ‘di ba?), palaging nanunumpa (i.e., “balang araw, ako ang mananaig.” “bukas, luluhod sa akin ang mga tala. Babangon ako at dudurugin kita.”)

Ayos sana, may resiliency e. Kaso mayroon tayong hindi nagagwa na hindi tulad ng mga bida – ang lumaban. Sinasabi kasi na masama ang gumanti sa kapwa. Hindi yun ang punto ko dito. Sinabi ko na dapat lumaban ang mga tao dahil kung panay-palagian ka na lang inaapi, sinasaktan… aasahan mo ba na igagalang ka ng kapwa mo? Parang kung hindi mo siya babasagin sa pang-aasar niya sa ‘yo, tingin mo titigil siya sa gawain niyang ‘yun?

Ang pagiging mapagpakumbaba ay nilulugar, hindi inaabuso. Tignan mo tuloy ang mga ‘to sa pagiging “victim” nila. Walang narating. Hindi sumusunod sa tamang alintuntunin, palaging idiadaan sa emosyon at umaapela. Wala yatang utak tong mga ‘to e.

Kung sa nakalipas na isyu ang usapan, ayon na rin sa blog na “Filipinos Cannot Progress If they Cannot Follow even Simple Guidelines,” ang mga Pinoy na nars sa isang opsital sa Estados Unidos ay umaalma ng diskriminasyon dahil lamang sa labis-labis pagsasalita ng native na lengwahe, bagay naman ipinagbabawal dun.

Pati na rin ang mga taong gumawa ng kasalanan abroad, bagay na ipinagbabawal rin naman ng kani-kanuilang teritoryo. Lahat umaapela sa gobyerno, tapos ang gobyerno anman ay iaapela ito sa kani-kanilang pamahalaan doon. Tapos, ineexploit pa sa media at pinagpepyestahan ng mga netizen. Ngayon ano ang kinalabasan? Nagawa lamang ito sa bugso ng emosyon at laging naghahanap ng ”way out” kahit tama lang ang parusa sa kanilang kamalian.

Pansinin ang mga viral hit sa social media. Karamihan d’yan ay nabibiktima ng pangbubully sa internet. Yung mga taong inaapi nila ay pinutakte ng karamihan ng simpatiya. At dyan pumapasok ang tinatawag na “conspiracy.”

Kunsabagay, ang good side lang naman ng pagiging “victim” ay pag inatake ka ng krimen. As in literally, pag hinoldap ka, ala namang lumaban ka? Alalahanin mo, mahalaga pa ang buhay mo kesa sa iPad mo. Pero hindi nga lang ibig sabihin nun ay maglulupasay ka na lang at hahayaan mong lumipas ang traumang bumalandra sa iyo. Ayon sa special report segment ng isa sa mga episode ng Presinto 5, huwag manlaban, pero tandaan ang mukha ng mga kawatan at agad magsumbong sa malapit na kapulisan.

Magpapakabiktima ka na nga lang ba habang buhay? Hindi ka lalaban pag inapi ka?

Huwag mo kayang antayin ang mga supernatural na bagay tulad ng karma at mirakulo para mabago ang takbo ng buhay mo. Alalahanin mo ang kasabihang “nasa Diyos ang awaw, nasa tao ang gawa.” Bottomline, nasa sa iyo pa rin ang pagpipilian ng magiging kapalaran mo, kung habang buhay ka bang mananatiling underdog o hindi.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...