Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, November 13, 2014

Torpedo

11/10/2014 09:36:42 AM

Nakakatorpe. Nakakapanibago. Ang liksi't sigla ko, nawala sa isang iglap, lalo na nung nakita kita.

Isa ka bang kakaibang pwersa sa mundong ibabaw? O sadya lamang dumarating sa puntong ako'y naduduwag? Ang buntot na nababahag?

Hindi ako payag. Lechugas.


Atapang a tao yata 'to. Hindi atakbo.

Hindi ka naman siguro multo ano? At hindi naman isang haunted house ang mundong ito, ano po? At lalo hindi naman parang isang malalim na kweba ang puso mo, di ba?

Pero ewan. Ewan ko, tangina.

Ganito siguro talaga ang ikot ng mundong ito. Minsan nasa itaas ka, minsan naman nasa ibaba. Minsan bitter ka, minsan nama't magiging matamis. At nagiging ganito ang tao pag may nararamdaman na kakaiba sa kanyang tipikal na sarili. Hindi maipaliwag pagkat nakakarindi minsan.

Huwag mo kong lapitan na parang nang-aakit ka. Hindi porket mala-Superman ang lakas ko'y hindi na ako nanghihina. Tao rin ako na kinukulang sa hinang. Dahil isang hakbang mo pa'y baka mahalin na kita.

Teka, ano ba tong nasasabi ng bunganga ko? Para bang mabulaklak na hindi naman galing sa akin 'to ah.

Nakakatakot ka. Natatakot ako. Natatakot ako na lapitan ka. Natatatkot ako na may masabi pa. Oo, nakakatakot dahil malamang hindi naman ako type. Natatakot dahil baka may iniirog ka na. Nalalatakot sa ibang hindi malamang kadahilanan.

Para bang kanta ng Ture Faith noong nobenta, na nagtatanong sa aking kamalayan, “Wag na lang kaya?” Oo, suko ako. Pero hindi ko isinusuko ang puso ko sa 'yo.

Kundi isinusuko ko ang kagustuhan kong pagtangis sa 'yo.

Pucha, tama na ang kalokohang ito. Marami pang problema ang mundo na dapat pang harapin. Marami pa akong bigas na dapat kainin dito. Marami pang alak ang tutunggain ko, para maging manhid at itago ang pait.

Marami pang bagay na mas dapat bigyang pansin kesa sa pagtingin ko sa 'yo.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...