Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, November 11, 2014

Debate Kamo?!

11/10/2014 05:59:47 PM

(Ang pyesang ito ay isinulat bago pa man nagdesisyon na magback out si VP Jejomar Binay noong umaga ng Martes, Nobyembre 11, 2014)

Sige, magdebate kayo. Tama yan. Ubusin niyo ang oras, salapi at iba pang resources ng Senado para sa jeskeng debate na yan.


Kaya nga debate di 'ba? Dahil hindi sila magkasundo. At pustahan, pagkatapos ng usapang ito, hinDI parin sila magbaBATI. Parang mga punggok lang. Ano pa bang silbi ng mga usapang ito? Para maiexpose ang dapat maiexpose? E di ba nagawa na ng media yun?

Teka, bakit kasama pa ang KBP dito? Tangina, taray. Live on national television pa pala ang mangyayari. So daig pa nito ang mga naganap na presidentiable debate noong nakaraang 2010 elections. Naalala niyo ba na kada auditorium yata ng mga eskwelahan nun ay kinocover ng mga sikat na media network paratalakayin ang mga sari-saring paksa nun sa ngalan ng kapangyarihan at boto ng tao.

Halos may pagkakahalintulad sila. Pati na rin yung impeachment trial.

Sa senado ba ang venue? Kung ganun, tangina, parang bias ang magiging datingan nito. Malamang, bise-presidente nga ang andun, ikalawa sa pinakamataas na pwesto sa ehekutibo. Pero ang senado ay kinabibilanganan ng mga pinakamataas na posisyon sa larangan ng lehisalatura. At pareho silang parte ng sangay ng ating pamahalaan, kabilang ang huradikatura.

Parang isang preso na hinahatulan sa korte ang datingan. Pero ano nga ba ang pinaglalaban ng mga 'to? Katiwalian? Mga kontrobersyal na ari-arian gaya ng gusali sa Makati? Ang cake na pagkasarap-sarap? Ang hasyenda sa Batangas? Ang “dummy?”

Tangina, sa totoo lang. Parang kayo-kayo na lang nasa larangan ng pamahalaan ang magkakaintindihan ah. Kaya di na rin kataka-taka kung sa kabila ng mga taong nakikibaka laban sa korapsyon, may mga tao na rin na pipiliing maging neutral o walang pakialam. Hindi dahil sa ayaw nilang labanan ang problema, kundi dahil sa nagkakandaleche-leche na ang lahat. Sa kung saan-saang sirko na umiikot ang kwentong ito. Sa punto na parang hindi mo na rin maiintindihan ang lahat.

Sana nga lang, sa a-27 ng Nobyembre, magsiayos kayo ha? Ipaintindi niyo sa madla kung ano ba talaga ang signipikasyon ng usapang ito? Kung bakit siya mahalaga? Lalo na't sa darating na dalawang taon ay maghahalal na naman tayo ng bagong mamumuno sa ating bayan.

Oo, tangina, nakapanlalabo lang!

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...