Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, November 11, 2014

Confessions of a Not-Kitty

11/9/2014 11:37:37 AM

Kamakailanlang, nagdiwang ika-apat na dekadang annibersaryo ang batikang cartoon character na ito.

Tama, si Hello Kitty. 40 years old na siya. Astig, ang SANRIO charcter na nga na iyan ay nagdiwang pang isang malaking convention nun.

Pero, dalawang buwan ang nakalilipas, naging isang malaking rebelasyon naman ito: Hindi raw tunay na pusa si Hello Kitty.

Ha?! What?! So ang sa lagay ba ay naglolokohan na lang ba tayo dito?

Sabagay, hindi naman tayo magugulat kung sabihin na lalake pala ito no, condering na may mga lalake na ang pangalan—ke tawagan man yan o nasa papel—ay babae.

Pero, hindi pusa si Hello Kitty?

Ayon sa mga naglabasang balita, isa itong batang babae, third-grade na estudyante, na namumuhay kasama ang kanyang kakambal na ate, mahilig kumain ng apple pie, at nagdidiwang ng kanyang kaarawan twing Nobyembre a-uno (Oo. Araw ng UNDAS nga). May boyfriend pa kamo: Dear Danielang pangalan. Aba, Grade 3 pa lang, malandi na? Ganun?!

Pero, hindi raw siya pusa. Tao siya.

E ano naman? Aminin mo: mula noong 1976 na inere ito ng SANRIO ay kahit papaano naaliw ka naman sa palabas na iyan noon.

Hindi siya pusa. Dahil tao nga siya. Wow, imagine mo na lang na may ganyan talagang pangalan na tao gaya nung sinasabi. Haloswalang pagkakaiba sa panahon ngayon na ang isa sa mga anak ng sikat na boksingerong si Manny Pacquiao ay halos maging katukayo na ang Reyna ng Inglatera. At counted na rin dito yung pangalan ng anak ng isang rapper at ng kanyang reality show actress: pinagalan sa isang secondary direction. Alam ko, gusto niyo ng pagkakaroon ng “unique identity.” Pero parang pinagtitripan niyo naman yung mgaanak niyo niyan.

Hindi pusa si Hello Kitty. Buti nga Kitty ang tawag e. E paano yan kung “pussy”? Pustahan sa lipunang nagmamalinis pero marurumi ang utak, magkakaroon ng kulay ng malisya iyan.

Hindi nga pusa si Hello Kitty. E ano naman ngayon? 

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...