Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, November 6, 2014

Balik-Tambalan

11/05/2014 08:30:47 AM 

Sa dinami-rami ng mga naglipanang balita noong nakaraang linggo, pasensya na kung magpapakashowbiz muna ako ha, pero ito lang yata nag pinakamagandang narinig ko: Jolina Magdangal balik-Kapamilya na, at magtatambal ng kanyang dating kaloveteam na si Marvin Agustin sa isang teleserye.

Oo, tangina, seryoso ako sa sinabi ko. Yan lang yata ang pinakamagandang balita narinig ko. Hindi dahil sa isa akong 90s baby na namulat ang kamalayan sa mga tulad nila ha? Pero ewan ko.

Mukhang maganda naman ang gaing takbo ng karera nya sa Siyete noong nakaraang dekada eh. Pero sabagay, ganyan talaga ang karera ng isang artista. At the end of the day, kahit napakaartistic pa ng gawa mo, it's all about business.

Pero, Jolens back to the ABS! Una kong napansin 'to mula dun sa mga kasamahan ko sa trabaho na makachuva chuchu pala nun (basta, nakalimutan ko yung pamagat ng pelikula pero napanood ko 'to).

Nasubaybayan ko minsan ang karera ng bata/dalagang ito noon sa pelikulang Ang TV: Ang Ibong Adarna (Oo, VHS pa uso nun ha? At dahil wala kaming cable, hindi kami umasa sa Pinoy Blockbuster Channel), tapos yung iba pa niyang episode sa (where else but) Ang TV, Gimik, at samu't sari pang mga palabas nun gaya ng Hey Babe, at Labs Kita, Okey Lang? Kung maalala ko ay nakapag-guest din siya sa mga paborito kong sitcom nun na Abangan ang Susunod na Kabanata, Oki Doki Doc, at Home Along Da Riles.

At yung huling proyekto niya, kung tama ang aking pagkakaalala sa Dos nun ay Arriba! Arriba!

Pero Jolens is back, and buhay na naman ang Marvin-Jolina tandem. O ano na? E di magbunyi na ang dapat magbunyi nito. Haha! Seryoso, sila ang tipo na cute tignan sa TV, maliban pa sa mga gaya ng Rico-Claudine love tandem (pero medyo kontrobersyal nga lang ito).

Dahil nga sa isyu na yan, nahalungkat ang isang mala-sikretong pagbubunyag: nainlab ang lola mo sa kanyang katandem. Pero aniya, bata pa sila nun. Sabagay, masaya ngunit mapusok ang pag-ibig nga naman sa mga ganung edad.

Sabagay, nagkatrabaho nga naman sila Marvin at Jolina nun sa GMA sa mga programang gaya ng I LUV NY at Iglot.

Ngunit iba pa rin ang nung nasa lugar kung saan sila umusbong ng todo. Hindi makakaila yun.

Looks like the Chuva coochoo days are here to stay. At least for a while. Kaso siyempre matured na sila. Nasa 30, may mga asawa't anak na. Kaya malamang, ibang lebel na rin ang masasaksihan sa dalawang ito. Lalo na kapag umere na ang kanilang proyektong “Flordeliza.”

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...