Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, November 4, 2014

Ang Istorya ng Katorpehan ni Jerry Maya (v. 2014)

10/02/2014 05:32:49 PM

(Ang pangalang nabanggit sa blog na ito ay pawang nagkataon lamang.)

As much as gusto kong mamasada sa mga napapanahong isyu, ay... teka, dumating na naman ang tropa ko after two years. Mukhang nanghihingi na naman 'to ng kasosyo sa bibilhing alak, para maglabas ng sama ng loob (ops, hindi ito tae, ha?) na parang two year ago lang ay ikinuwento niya sa akin.

“Hoy, Mr. Jerry Maya, bakit andito ka na naman?” Pasensiya na, mga katropa at tingin ko ay mukhang Biyernes Santo na naman ang tropa kong ito. “Yo, magpapasko na, torpedo ka pa rin?”

Sagot naman ng katropa: “Pre, guess what? Nagkatrabaho na ako. Nagkagelpren pero naging wala na ulit kami. At nagkatrabaho na ulit ako, at marami akong nakilalang chikas.”

Sumbat ko naman, “aba'y ano naman ngayon? Dapat nga masaya ka na sa buhay mo eh, single, may trabaho, napaliligiran ng mga babae. Dre, mas kahanga-hanga ka pa kesa naman sa tulad ko na wala nang ginawa sa buhay kundi ilaan sa pagsusulat. Pucha, baka mamaya niyan ako pa naglalapat ng sarili kong lapida ha?”

Jerry: “As usual, kahit may bagong nakilala, balik na naman ako sa dati”

Ako: “Aba, may kuwento ka na naman ha? Don't tell me same old shit 'to?”

“Hindi pre.”

O siya, sige, parang awa ko na nga—tutunghayan sa ayaw at sa gusto natin ang kuwentong ito ni Jerry Maya. At ang pinamagatan nito ay... (maliban sa mga literal na pamagat nito sa taas ng post na ito) Strike 2.

Noong nasa isang division ako ng opisina, wala akong katabi. As in loner ako sa aisle na ito. Kung meron man dati, lalake yun. Ala namang pormahan ko yun, buti sana kung bading siya. Eh kaso, three weeks, plus seven working days and fifty-five working hours later, (ha?), may tumabi dito. Isang dilag. Graduate siya sa isa sa mga eskwelahan sa isang university belt. Kaso hindi sa Maynila, kundi yung isang U-belt sa Kyusi (teka, eh Ateneo-Miriam-at UP lang ang andun ha?), shet pare. Fresh grad (ops, hindi yung kasabihang “fresh-na-fresh ha?”) pala. Pareho kami ng posisyon sa trabaho. Kaso sa ibang beat ang assignment niya.

Ako: “Teka, pucha, media ba itong pinasok mo? Doon lang ako nakakakita ng beat.”

Jerry: Wag ka nang humirit, slickmaster. Patapusin mo muna ako.

Ako: Walanjo. O siya, tuloy mo, Jerry.

Eh kaso, nareassign ako pansamatala. Hiniram ba. Kay sa totoo lang, pumupunta lamang ako sa lumang desk ko para ilagay ang gamit dahil puno na rin ang locker ko at nakakatamad mag-uwi ng basura sa bahay.

Minsan, sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagpang-abot kami, pero hindi yung nagpang-abot na may halog emosyon ng galit ha? Yung nagkita lang kami sa parehong desk namin. Paalis na siya nun, ako naman nag-aayos ng bag ko. Sabay bitaw ng “ingat” sa akin at napasagot rin naman ako ng salamat. Sabay napataka “teka, bakit mag-'ingat' ako? Sino siya para sabihan ako nun?!”

Slickmaster/Ako: Puwedeng humirit, Jerry D' Torpe?

Jerry: Tanginang nickname na yan. Siya, sige.

A: 'Di ba sinabihan ka ng ingat?

J: Oo.

A: Nagtaka ka naman?

J: Oo!

A: Eh loko, buti nga kahit hindi mo ka-close eh sinasabihan ka nun eh. Tignan mo kaya yung mga magkakaaway sa mga teleseryeng pinapanood mo — oo, ikaw lang, wag mo kong idamay.

J: (interrupting) eh bakit mo alam?

A: Basta! Anyway, tignan mo yugn magkakaribal nagsasabihan din ng “ingat.” Tapos yun, ginagawa mo nang big deal?

J: Oo.

A: Aysusginoo. Siya, tuloy ang kuwento. Dali!

Ayun, naging nagkakaasaran kami minsan pagnagkasalubong. Minsan, napapahaba ang usapan. Alam mo yung feeling na nagiging malapit kayo sa isa't isa pagkatapos ng maikli pero makulay na usapan? (Humirit ako: “Hindi! Ay, sorry, sige, tuloy mo lang. Tanong kasing yan eh!”) Parang ganun!

Tapos nagkahingian kami ng numero, ng facebook, ng chat id sa Viber, WeChat, Kakao Talk (Napahirit na naman ako sa isip ko: Taray ah! Lokong 'to, parang ayaw mong lubayan ang bruha.”), hanggang sa nagkakaroon kami ng pagkakataon na sumabay sa lunch break, hinahatid pa siya pauwi.

(Napahirit ako once again: “Well, sabagay, gentleman ka nga naman, ano? Walang masama dun. O tapos...”)

Jerry: Ayun, naging close lang kami. Eh may tanong lamang sana ako.

Ako: Yun lang naman pala eh. At may sagot ako dyan, sige, ano yan?

J: Gusto ko sana ligawan siya eh. Kaso...

A: Teka, hindi naman tanong yan ah. Pero, ano yang pahabol mo?

J: Mukhang may kasintahan na eh. Minsan nadatnan ko sa desk niya (nasa isip ko lang: Hoy, Jerry, pati ba naman sa opisina ay nadadala mo ang habit mo sa computer shop na mag-comsat?) may kausap na lalake. Minsan nakasabay ko na siya lately ay may naghahatid na sa kanya. Hindi na rin kami masyado nakikipag-usap.

A: Ganun? Yun ba ang problema?

J: Oo, ikaw naman.

Sige, ayan mga kaibigan, narinig na natin ang panig niya. Ito lang ang siguro sa akin. Dahil nanghihingi siya ng opinyon, pasensyahan tayo, pare ha? Ayun lang. Umandar ang katorpehan mo. Kung gusto mo na siya since day 1 na nagkita kayo, eh si sana nangilatis ka na rin. Pagdating sa pagpili ng partner, nagiging FBI o NBI tayo. Nagiging imbestigador, o dili naman kaya'y yung asensadong bersyon ni Detective Zenegata o ni Conan.

Sa madaling sabi, sana noon paman, inalam mo kung may nanliligaw sa kanya. Eh paano yan, huli na ang lahat, mas masakit kaya nang bonggang-bongga yan. Maaring makatulong ang pagtatago ng feelings natin para sa isang tao pero sa maniwala ka man o sa hindi, in a long run, yan din ang papatay sa tiyansa mong magkalovelife.

Ang pag-ibig ay parang kantang Bobo Song ni Loonie. I mean yung isang linya mula doon na “wala pang nananalo sa Lotto, na hindi tumataya.” Ibig sabihin, nito ay malamang walang mangyayari sa buhay mo kung hindi ka gagawa ng hakbang. Ika nga sa Ingles, you have to take a risk. The mere fact na nagtatago ka lang sa comfort zone mo, walang man mangyaayring pangit sa buhay mo, pero at the same time, wala ring magandang mangyayari sa buhay mo.

Noong dos-mil-dose parang pareho lang ang sitwasyon na pinag-usapan antin, 'di ba? Nahihiya kang makipag-date sa isang babae na gusto mo, pero umalis na pala pa-abroad. Dude, sorry to tell you ha? Pero same old shit lang ang nangyari sa 'yo.

Two years, pare. Hindi ka pa natuto?

Ano mas gusto mo: mabuhay ka nang malaya kahit sa kabila ng iyong pagkadapa (dahil nga sa nalaman mong taken na siya) o ang mabuhay na may pighati at pagsisi sa puso mo dahil sa hindi ka nag-try?

Again, yan po ang kuwento ng aking tropa na hindi ko na po itatago (dahil nagpakita muli siya na para bang Halloween ghost) na si Jerry Maya.

Ngunit bago tayo magtapos, aba'y ano pa bang bago sa ganitong kuwento, hindi lang sa kaso ng tropa kong ito ha? Generally, marami sa kaibgan ko pag nakaranas sa pag-ibig ay talaga namang nagiging isang “lunatic.” Ayaw konggamiting ang mga gaya ng “morn,” “idiot,” o sa Tagalog “tanga,” o “bobo, dahil sa totoo lang kasi kahit gamitin pa natin sa argumento na gamit din kasi ng utak pag may time,” eh wala rin eh. Mas pinapairal ang puso talaga pagdating sa pag0ibig, masaklap man na katotohanang ito.

Sa madaling sabi, kung may natutunan man tayo sa muling paglulupasay ni Jerry ay yung tipo na madalas ang siklo sa pag-ibig ay paulit-ulit lamang. Yun lang. Corny no?

O siya, tapos na muna ang pasada at kailangan pa yata ng mokong na 'to ng kasamang tumoma.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...