Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, November 4, 2014

Ang Bahaing Marikina River?!

9/21/2014 5:45:19 PM

Sinasabing ang lungsod ng Marikina ay isa sa mga mararaming lugar sa Pilipinas na palaging binabayo ng baha. In fact, dahil nga diyan ay nagkaroon na ng stigma ang mga Pinoy pagdating sa lugar na ito.

Pare 1: Saan kayo nakatira?

Pare 2: Sa Marikina.

P1: Pare, di ba binabaha dun?

P2: Oo.


Maliban pa ito sa isa pang nakakatakot na potensiyal na West Valley Fault Line na mayroon naming kinalaman sa mga lindol.

Pero, bahain nga ba ang lungsod na ito, na unang naitatag noong 1630 bilang isang municipal, at nagging ganap na siyudad noong 1996?

Sa mga nakalipas na dekada, ang unang bahalang na naalala ko nun na napakataas ay noong 1998, o kasagsagan ng bagyong Loleng, kung saan pinasok ang bahay namin, at dahil diyan ay nawalan kami ng kuryente ng eksaktong 24 na oras (oo, naalala ko na 1PM nagbrownout, tapos kinabukasan ng 1PM din naibalik). Siyempre, suspended rin ang pasok namin nun.

Hapon nun (malamang, nung nagresume na ang kuryente sa aming lugar)ay naalala ko pang nakunan ng video ng ABSCBN (Hoy Gising yata yun o TV Patrol o yung News Advisory nila) ang sasakyan naming na tumirik pa sa kung saang kalsada man yun sa Quezon City. Pero sabagay, wala nang kuneksyon sa isyung ito ang aksidenteng iyun.

Kung tama ang ermat ko, na halos tatlong dekada nang nakatira sa Industrial Valley, isang di kilalalng lugar sa lungsod ng Marikina, may panahon daw nun na naging bahain ang lungsod ng Marikina sa loob ng tatlong buwan. Sunod-sunod daw yun na lampas tao ang taas baha. Siguro, particular na dito yung naganap nong 1987, kasagsagan ng bagyong Ruping. Considering na mararaming lugar sa lungsod na ito ay dating taniman o tumana.

Pero maraming mga account din, gaya nung sa Wikiepdia ang nagsasasbing mas malala pa ang baha sa naturang lungsod noong 1967.

And then, nahalungkat ang history muli niyan nung nagkaroon ng delubyong pangalan ay Ondoy halos limang taon na ang nakalilipas.

Sumunod ang bahang dala ng bagyong Pedring noong 2011.

Nasundan pa ng habagat na pinalakas pa ni Bagyong Julie (Julie ba o Julieta? Pero sabagay, mapapabira ka pa rin ng “Punyeta!”) noong  Agosto 2012. Ang nakakaloka at nakakatakot nun, dalawang beses pa ngang tumaas ang tubig-baha sa lugar namin nun.

Ay, meron pa pala. Agosto last year ay naging target na naman ng habagat ang arikina, nagdulot ng baha sailing mga barangay sa naturang lungsod. PArang halos nakalimutan nito ang CAMANAVA area na lagi ring tinatamaan ng baha, lalo na nung naibabalita ito nung kalagitnaan ng nakaraang dekada.

Ngunit ang nakakatuwa sa lungsod na ito ngayon ay at least natuto naman kaming mga residente. Kaya nagkaroon ng sistema pagdating sa pag-alerto sa mga tubig-baha. Ganyan sana sa pangkalahatan, lalo na’t nag-iiba na talaga ang panahon ngayon. Pucha, isipin mo ha? Ang simpleng buhos ng ulan sa panahon ngayon ay nagdudulot ng grabeng pinsala sa kabahayan, kabuhayaan, at ultimo sa sarili mong buhay.

Ito nga lang siguro ang mas nakadidismaya: marami sa mga ulat ay sinasaklaw lang ang mga piling apektadong lugar, eh paano yung mga talaga rin naming tinamaan ng bagyo pero hindi nabibigyan ngmasyadongpansin gaya ng mga mabababang parte Barangka, Calumpang at ultimong Industrial Valley? Naalala ko nga nun na habang nirereview ko ang mga ulat na may kinalaman sa bagong Ondoy ay parang halos wala sa mga ulat na yun ang mga kaganapan sa Industrial Valley.

Ay, meron ba? Kaso, parang ang dating kasi ay para MEMAlang din (o may masabi lang).

Sana naman next time, hindi lang sa lugar na ito, ha? Pati na rin sa iba pang mga bayan, lalawigan at lungsod. Kung seryoso kayo sa hangarin niyo na ihatid ang mga balita, well, gawin niyo naman sa lawak ng sakop niyo. May mga pakulo naman kayo sa ngalan ng “citizen journalism,” ‘di ba?


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Nakakalungkot ngang isipin na marami na ngayong lugar ang binabaha. Hindi katulad noon na piling lugar lang... sana lahat makabangon kapag nakaranas ng ganito...

    naalala ko tuloy ang unang beses na binaha sa amin.... dapat mag ingat at laging handa.....

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...