Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, October 20, 2014

Tirada Ni Slick Master: Basutusan sa Expo

10/18/2014 12:27:49 AM

Gusto ko lang ibahagi ang post na ito galing sa Facebook page ng Cubao Expo. Kung sakaling hindi mo alam ang Cubao Expo na ‘yan, o kung gusto mo ng mas modernong pangalan ay Cubao X, ‘yan ang dating Marikina Shoe Expo, isa sa mga tanyag na lugar sa Cubao commercial district sa Quezon City.

Bakit ito ang tinalakay ko, pansinin:


Sa haba ng kwento ng pinost ng admin ng Cubao Expo, na may pangalang Sandy ng isang shop dun na The Reading Room, isa ang pinuntirya nito: kawalan ng disiplina.


Bilang isang manlalakad sa lugar na ito sa halos buong talambuhay, nakakadismayang tignan na nagiging ganito na ang mukha ng Cubao X, nawawala ang aesthetics, ang kahalagahan ng kagandahan na inalagaan ng mga tao rito. As in vintage na nga kung tutuusin, dahil sa ilansa mga shop rito ay nagbebenta ng mga bagay na magbibigay-alaala sa mga nakarrang dekada mula vinyl hanggang cassette tape, hanggang ibang antique na bagay.

Ito ang lugar na nagbibigay ng bonggang-bonggang chill vibes (walang sinabi yung mga gimikan sa Rockwell at Tomas Morato dito).

Siyempre, sino ba naman ang gusto makakita ng hindi kaaya-ayang kapaligiran gaya ng nasa litrato ni Sandy? Hindi tinatapon ang mga basura sa tamang lugar. Isang simpleng senyales ng tangang Pinoy. Oo, tanga, lalo na kung may gana pa silang magrekalmo sa gobyerno pero hindi naman sila sumusunod sa mga alintuntunin. Explain mo sa akin kung anong klaseng kagaguhang yan, aber.

Isa pa: ang graffiting wala sa lugar. As much as naappreciate ko ang gawa ang ilang graffiti artist, ang pagkakaiiba nila, yun ay art talaga, samatalang ito ay isang hamak na pretentious art. Hindi lehitimong gangster o isang tunay na punk ang may gawa nito kung tutuusin, mga jeje na punk siguro. Mga wannabe ba. Halos walang pagkakaiba mula sa mga gunggong na nangdudumi ng pader ng ilang kabahayan gamit ang pentel pen (Seryoso? Pentel pen talaga?!) o kung hindi man yung plain na black paint lang.

At sa totoo lang, hindi lamang sa Cubao X nagaganap ang ganito. Maraming lugar sa Pilipinas, in fact. Tumingin ka nga lang sa paligid. Kung sa mga hindi bantog o sikat na lugar gaya na lamang ng ating paligid ay ganito, what more pa sa mga gaya ng Cubao X?

Maliban na lamang siguro kung nasa gaya ng Eastwood, BGC, o Makati CBD.

Pero kung hindi hawak ng mga elitista ang lugar, kung hindi hawak ng mga prestihiyosong real estate developer ang teritoryo, ganito na lamang ba madadatnan natin? Nagkalatang upos ng sigarilyo, basag-basag at nagkalat na basura, mga tunay na “graffiti art” na gawa ng mga pretentious na jejemon, na nagke-claim na sinusportahan nila ang sining?

Tigilian niyo nga ako. Tigilan niyo nga ang kalokohang yan. Nakakahiya kayo sa eksena at kultura. Mas lalong nakakahiya sa mga taong nagsilbi ng panahon gaya ni Sandy para sa Cubao X.

Oo, nagiging modern nga ang paligid natin, pero hindi naman ang ugali natin.

Tangina, nakakahiya kayo!

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...