Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, October 7, 2014

The Rise of the Wattpad Stories?!

9/21/2014 5:20:47 PM

(Sa panahon na isinusulat ko ito ay kasalukuyang nagaganap ang Manila International Book Fair, ang pinakamalaking pagtitipon-tipon ng mga mahihilig sa libro sa SMX Convention Center sa Pasay City. Kaso kahit may libre akong access pass ay hindi natuloy ang inyong lingkod dala ng mga pangyayaring dala ng bagyong Mario)

Sa panahon ngayon, hindi na makakaila ang mga tulad nila. Dinaig pa nga yata nilaang Precious Hearts Romances sa paggagwa ng mga libro.

Kung gusto mo maging sikat, hindi mo kailangang umakot na para bang tanga sa mga palabas. Ang kailangan mo lang ay malawakang bokabularyo, malawak na imahinasyon, at kompuyter. Oo, love story ang tinutukoy ko, at ang Wattpad ang pinakavenue ng lahat.

Oo, dapat love story dahil ito ang tipong nakakapagpabata sa sinumang matatanda. Siyempre, mas mabenta ang usaping pag-ibig, kaya nga palaging patok ang teleserye sa panlasa niyo ‘di ba? (oo, wag mo nga lang akong idamay dahil graduate na ako sa mga ganyan klaseng tema).

Kaya nga naman nagkakaroon ng milyun-milyong hits ang mga post ukol sa mga ganitong klaseng kwento, ‘di ba? Daig pa niya ang mga nobela na naglalarawan ng temang pulitikal at kasaysayan, mga textbook, at iba pang mga sanaysay.

Dahil nga yan ay nagagawan pa sila ng libro. Kung mas malala pa ang usapan, nagiging teleserye at peikula pa. Bagay na ibabalato ko na lang sa mga tao kung nagandahan ba sila sa adaption nito o mas prefer pa nila ang orihinal.

Walang masama dun. Dahil ang pagsusulat naman ay isa sa mga pangunahing karapatan at kalayaan ng bawat tao. Malamang, kung marunong kang magsulat, isa kang ganap na tao. Mas lalo na kung magaling ka mag-kwento, dahil aminin man natin o hindi, hindi lahat ng mga magagaling writer ay ganun din ang lebel ng pagiging storyteller.

Isa itong kapangyarihan, lalo na sa panahon ng Internet, sa pamamagitan ng social media at mga blog sites, na kayang gawin ng sinuman. Yun nga lang, hindi lahat ay sapat ang kaalaman, imahinasyon, angas at bayag para gawin ito.

Lalo na kung palpak sa Ingles, at maski sa Filipino na grammatika. Sa panahon ngayon, o libre nga ang mag-rant, pero libre din ang mang-bash. The same way lang na parang nag-upload ka ng selfie at kahit 90 porsyento dun ay nagandahan sa OOTD mo, baka naman may katiting pa na nanglait pa sa iyo.

Pero ito ang mas nakakabahala eh. Yung nagsusulat na may smiley. Tapos ang masaklap dun, pag nagpatulong ka sa isa mong kaibigan na editor, tinanggal ang mga gaya “J” “L” “:-\” o ang “;-)” sa gawa mo, ay magagalit ka. Sasabihing nawawala ang essence ng salita.

Aba’y kung hindi ka rin naman siraulo e no? Ang sinusulat mo ay isang kwento, hindi textmessage. Kaya umayos ka.

Isa pa: ang text lingo, na minsan ay mas malala pa  sa mga jejemon. Ulit, isang kwento ang ginagawa mo. Wag mong babuyin ang panitikan na bumubuhay sa mundo. Umayos ka.

Ayaw ko nang punahin ang mga tema. Hayaan ko na riyan ang mga tulad ni memealberts na maging kritiko sa ganyan, dahl tutal ay hindi naman ako ang target audience ng mga teen pop series sa ngayon. Besides, alam rin naman ng mga masugid na mambabasa ko na surang-sura na rin ako sa mga love story eh. Oo, kahit yung mga blogoserye sa Definitely Filipino (pasensya sa mga follower ko dun) pa ang usapan.

Hindi makakaila ang pag-usbong nila. Walang masama dun, lalo na kung para naman sa ikaaangat ng book industry ang ginagawa nila.

Yun nga lang, kung gusto mong gumawa ng kwento, ayos lang siguro kung natatypo ka lalo na kung par aka na ring ginagago ng Autocorrect options ng word processing program mo (pero siyempre, mas okay kung mamiminimize mo yun at wag naman yung obvious na napakadami), basta ayusin mo ang paggawa. Yun na lang.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...