Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Saturday, October 25, 2014

Sixty Years in The Making

10/21/14 12:11:25 PM

Photo credits: Yahoo!
Isang malaking piyesa sa kasaysayan ng college basketball ang pagsunkit muli ng kameponato ng National University Bulldogs sa UAAP noong nakaraang Miyerkules. Isang historic na underdog victory, ika nga (kahit ang bulldog ay pang-siga) dahil matapos maolats sa Game 1, ay binawian nila ang kalabang Far Easter University Tamaraws sa Games 2 at 3.

Isang rally sa third quarter ang nagkita ng panalo para sa mga taga-Jhocson, 75-59, para kunin ang kanilang ikalawang titulo sa UAAP sa kasaysayan ng pagsali nito. Pareho silang mga orihinal na miyembro ng naturang liga mula noong naitatag ito noong 1930s.

Bakit nga historic ba ito para sa mata ng parehong koponan, at pati na rin sa mga nagmamasid sa sports tulad ng inyong lingkod? Tignan nga natin ang pagkakaiba.

Aninnapung taon at dalawamput anim na araw ang nakalipas, o simplehan na lang natin: noong Seytember 19, 1954, ay nasungkit ng National U ang kanilang kauna-unanhang titulo sa tanyag na college basketball. Ito ay ginanap sa Rizal Memorial Coliseum.

Interestingly, FEU din ang kalaban nila, at ang finals score nun: 41 para sa NU, 36 para sa FEU. Ayon ito sa mga mga talaan ng Manila Bulletin, GMA News, Yahoo, Philippine Star at Rappler.

Ayon naman sa isa sa mga manlalaro ng NU na si Nestor Salpida, iba ang lebel ng suporta at training na binibigay ng mga pamunuan ng eskwelahan nun sa kanilang atleta. Sa kaso ng NU nun, sa Ilolilo at Manila Hotel ang nagiging lugar ng kanilang training at pahingaan, kung ikukumpara mo naman yan sa ngayon na minsan ay nagtatravel pa sa ibang bansa para lang makapagtraining. Minsan nga, wala pang isang daang piso ang allowance, tapos kulang pa sa inuming softdrinks.

As in malaking investement talaga. Pero kunsabagay, malaking investment rin naman maituturing ang panahon noon considering na iba ang lifestyle at ang economical value ng piso noon.

Ano pa nga ba ang pagkakaiba? Iba ang pamantayan sa paglalaro ng basketball noon. Noong early 1950s nga lang naimbento ang shotclock eh. Baka dito, ewan ko lang kung nagagamit na yun. At kung nagagamit man, malalamng iba pa ang timer.

Wala ring three-point shot. Dahil ang American Basjetball Association lamang noong 1970s ang nagpauso nito. So isipin mo, lahat ng tira mo, kahit half-court heave pa ay two points lang ang dadgdag bilang. (Example: Jerry West noong 1972 NBA Finals.)

Photo credits: GMA News

Ang venue: dahil wala pang big dome, ang tanging puntahan lamang ng basketball nun ay ang mga gaya ng Rizal Memorial Coliseum, sa may tabi ito ng Rizzal Memorial Stadium mismo (yung tracka nd field), ang pangunahing sports facility sa Pilipinas na naitatag noon pang 1934. At kelan lang umusbong ang Araneta Coliseum? 1960.

Kahit siyam na libong katao man yang nanood nun sa RMC, kung ikukumpara mo sa tipikal na UAAP game na umaabot ng 15-20 mil katao, ay isa nang sold-out crowd maituturing. Dahil ba ito sa laki ng venue? Maaari. Dahil ba ito sa populasyon ng Pilipinas noon? Maaari din.

Pero anu-ano pa nga ba pagkakaiba nila? Torunament format. Ang set-up ng UAAP basketball wars dati ay may round-rpbin din; pero kung sino ang manalo sa unang round, haharapin nito ang koponang nanalo sa ikalawang round para sa kampeonato. Pero kung iisang team lang ang nnanatiling nasa itaas ng standing sa parehong first at second elimination round ay automatic na panalo ng UAAP championship, regardless kung nasweep ba ito o hindi. Pero sa palipas ng panahin, at may mga sumaling eswelahan, nagbago ang kani-kanilang mga standard sa laro.

Ngayon, o simula noong na-adopt ang Final Four format noong 1994, tiyak na panigiuradong may championship round.

Pero napag-iwanan ba talaga ang NU noon? Matapos ang serye ng pagkatalo sa Finals noong 1948, 1952, at 1953, maaring sabihin. Lalo na nung 1970 kung saan natalo sila sa then-6-peat champs na UE (sila ang may hawak ng pinakamahabang championship streak sa UAAP).

Simula noong nagibserba ako ng mga laro sa ligang ito noong 2005, isa lang masasabi ko sa UE nun, whipping boys. In fact, pag dumaan ka sa eskwelahan nila sa Sampaloc Manila, mahahalata mong luma at hindi kilala.

Pero nagbago yan mula noong nabili ng SM group ang pamantasan. Napansin ko ang pag-evolve ng kanilang gusali. Wag ka, may escalator sila sa main entrance. (Paano ko nalaman ito? Dahul nung nagti-thesis kami ay isa ang mga estudyante ng NU sa aming mga respondents). Naging maganda. Isang malaking turnaround.

Sa totoo lang, hindi ko na regular na nasusubaybayan ang UAAP games mula noong nagkolehiyo ako. Pero kahit papaano ay nakikibalita lamang. Mula noon, napansin na muli ang NU, lalo na noong kinuha nila si Bobby Ray Parks, Jr. anak ng dating PBA Best Import awardee. Bagamt hindi nagtagumpay ang experimento nun kay Park, hindi makakaila na naitaas nito ang antas sa pagtingin sa UAAP.

Hindi na sila whipping boys. At manakin mo, kahit literal na underdog sila, kaya nilang manalo. Oo, fourth seeded sila, remember?

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions          

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...