Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Friday, October 3, 2014

Bigyan ng Internet!

10/02/14 09:58:23 AM

Matapos ang samu't saring serye ng mga pangyayari sa ating bayan, mula sa pagkalugmok natin sa basketball at baha, hanggang sa paghahahanap ng gintong medalya sa Asian games, hanggang sa audio (ops, hindi) sex scandal ni Daniel Padilla, hanggang sa kuwestiyunableng gusali sa Makati ni dating mayor at ngayon'y bise-presidente Jejomar Binay, may libreng internet na raw sa Pilipinas.

Ows, di nga?

Oo nga, free interenet daw.

Aba, daig pa yata nito ang panawagang “ipa-Wi Fi ang buong Pilipinas,” ah.

Ayon kasi ito sa isang “malaking anunsiyo” ng isang telecomuuniactions company noong nakaraang Biyernes. Aniya ni Smart chairman Manuel V. Pangilinan, libre na maavail ng mga subscriber ng network nila sa loob ng dalawang buwan ang free internet service.

Ang naturang free plan ay mula noong a-26 ng Setyembre hanggang ika-30 ng Nobyember, taong kasalukuyan. At hanggang 30 MB lamang ang maari mong ma-avail.

Dahil sa “big announement” na ito ay sumagot naman ang karibal na Globe. Aniya, wine-welcome nila ang naturang ideya gaya ng pagaalok ng naturang telco ng libreng Facebook sa kanilang mga tagatangkilik.

At... inextend pala nila ang libreng FB, by the way.

Ah, ganun? So, limited lamang pala siya. 30MB lang eh.

Aba, demanding ka pa? Pasalamat ka pa nga at kahit papaano ay makakagamit ka ng libreng serbisyo ng internet ng alinman sa mga network na pinapatronize mo.Dahil kahit makipagargumento pa tayo na “bakit ngayon lang?” ay ito lamang ang problema: alam ko, napapag-iwanan na tayo pagdating sa bilis ng internet. Ayon na rin yan sa mga ulat at sa kabila pa ng katotohanan na 20 taon nang may internet sa Pilipinas. (Ironically nga lang, ay sa Cebu ito unang nagamit at hindi sa Maynila.)

Teka, libre nga ba o baka naman kainin nito ang load ko? Ito nga lang ang pambasang dillema ng tao pagdating sa mobile internet. Dahil as much as may mga plan o promo man tayo na tinatangkilik ay mayroon pa ring mga hindi kanais-nais na mga pangyayari na nababawasan ang load mo. At ano ang pangunahing rebuttal nila pagdating dito? Hindi yung pagtatanong ng impormasyon ukol sa iyo ang tinutukoy ko ha?

“Ay, sir. Sumobra na kasi kayo sa limitasyon ng internet service na inavail niyo.” O maari ring “Sir, may nabrowse kasi akyong mga site na hindi na sakop ng inyong plan.” Pambihira. Ganun? Eh paano kung sa Facebook pa rin naman ang brinowse mo samantalang Surf all day sa Facebook ang peg ng plan mo nun?

Anak ng pating naman oh. Alam ko na ganyan dahil minsan rin ako gumamit ng mga internet plan nila, partikular, noong estudyante pa ako niyan noong 2010.

Ito nga lang siguro ang magiging numero unong pasakit ng mga subscriber nila. Kung hindi mabagal, makakain ang load nila.

Pero tama na siguro ang reklamo kung bakit may libreng internet ang Smart, at patuloy pa rin ang Free FB ang Globe. Ano mas gusto mo? Meron sila parehong inaalok na serbisyo o wala? Mahirap na, kung mareklamo ka, baka pagkamalan ka pang black op, bagay na hinding-hindi magugustuhan ng sinuman sa totoo lang.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...