Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, October 14, 2014

Ang UAAP Finals na Parang Tunay na UAAP Finals Lang

10/09/2014 11:50:58 AM

Photo credits: Rappler

Sorry sa mga fans ng dalawang kilalang squad, ha? Alam ko, nagkaroon kayo ng panahon na kayo ang nasa itaas ng mundo ng UAAP basketball. Ngunit sa puntong ito, maiba naman ang ihip ng hangin.

Ito lang yata ang pinakakakaibang UAAP finals na nasaksihan ng inyong lingkod. Walang Ateneo o ni La Salle sa Finals. Sa madaling sabi, walang pamilyar na koponan, o mas pamilyar na rivialry ang naging dominante sa duluhang bahagi ng season na ito.

Sa madaling sabi, kakaiba, mas astig. Walang labanan ng mga konyo at konya. Pero yun nga lang, sana pumatok pa rin ang ratings nito sa ABS-CBN Sports channel nila. Dahil ito lang ang problema: kadalasan sa mga eskwelahan sa UAAP ay nasa hanay ng mga upper middle class, kung hindi man literal na elitsta.

Oo nga no? Magiging less commercialized ba ang UAAP Finals ngayon dahil walang ADMU o DLSU sa ngayon? Sa panahon na over-commercialized ang coverage ng UAAP (as in kada replay sequence na lang may sponsor na product, na mas nagmumukha pa silang telemarketer kesa sa pagiging sportscaster (alam ko, business din nila kumita eh. Kaso overrated na ang datingan eh).

Nasilat kasi sila ng kani-kanilang mga kalaban noong semi-finals. Isang malaking upset yun noong Miyerkules. Close fight pareho. Ang pinagkaiba lang, dumaan sa literal na butas ng karayom ang NU matapos silatin ang Ateneo, para makapasok sa finals sa unang pagkakataon noong 1970. At partida, twice-to-beat advantage ang mga Agila.

Sobrang kakaiba lang. Ang FEU, matapos manalo ng kameponato noong 2005 ay tinalo ang mga Green Archer sa ikalawang final four contest nito. Kamuntikan pa silang maechapwera kung hindi lang sa twice-to-beat advantage nila. At dahil nadethrone na ang defending champion, wala na sa Taft o sa Katipunan ang mag-aangkin ng kampeonato.

Asan na ang posibleng titlist nito? Andun sa kalye ng Jhocson. Kung hindi dun, e di sa Morayta. Sa madaling sabi, naging isang instant Battle of Sampaloc ang naging UAAP finals. Kakaiba lang dahil limang taon lamang ang nakalipas ay nagmistulang Battle of Sampaloc (or much better term, battle in U-Belt) ang naganap sa NCAA finals nun na kinatampukan ng eventual runner-up na San Beda Red Lions (na nakadestino sa Mendiola) at ang naging kampeon nun na San Sebastian Golden Stags (na located sa kabilang intersection lang naman — sa Azcarraga; ay 'di niyo alam yun? Eh di C. M. Recto Ave.).

Pero unlike SBC at SSC-R, ang FEU ang mas lalamado sa kasaysayan. At sa lineup rin dahil may import sila. Samantalang ang NU naman ang mas uhaw sa tropeo. Dahil nung 1954 pa sila huling beses na nagkampeon. At noong 1970 naman ay na-short sila para mapanalo muli ito.

Bago nito, sila ang isa sa mga koponan na palagiang “whipping dog” sa UAAP until nabili ng SM ang eskwelahan nitong nakalipas na mga taon, na nagtulak na irebuild ang kanilang basketball program (wag ka: may escalator sa entrance nila) at kung anu-ano pa. Kaya nga naging winner din sila sa cheerdance competition, 'di ba?

Ang tanong nga lang: dahil game 3 na sa Miyerkules (o sa panahon na nilimbag ko ito, BUKAS), dala ng FEU win noong game 1 at ng NU naman nitong nakaraang Game 2, sino ang mas gutom: ang mga tamaraw ba o ang mga bulldog?

Isa pang tanong: pag ang FEU ang mag-uuwi ng UAAP championship sa men's basketball, may street party at bonfire kaya sa Nicanor Reyes St., o magpapaliga ba na iseset sa R. Papa Gym?

O baka mag-sale ang SM kung manalo ang NU this time around?

Hmmm... pareho silang gutom. Pareho silang uhaw. Pero ang MAS may puso at mas matindi ang diskarte ang tuluyang magdidikta rito. Abangan!

Dahul yan ang mas exciting na laban. Pustahan, ito ang tunay na blockbuster match of the year ito para sa PH college basketball. Oo, hindi yung magkaraibal na.. teka, sinu-sino nga ba yun?

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...