Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, September 30, 2014

Simpleng Backstab

9/28/2014 7:09:46 AM

May audio scandal ang idol mo. Aba, hindi ito scandal na may kinalaman sa sex ha? Bata pa yang idol niyo kaya wag kayong masyadong marurumi ang isip.

Ano bang sabi niya? Wala lang naman, kung tama ang mga balita, aniya'y pinagtitripan lang naman niya at ang kanyang mga tropa diumano ang mga artista na obviously ay di niya pinangalanan.

Umamin naman si Daniel Padilla sa kanyang nagawa. Humingi rin siya ng patawad sa kanyang kaloveteam na si Kathryn Bernardo.

Tingin naman ng ermat ni DJ, may mga taong may-pakana ng iskandalong ito. Siyempre, natural na depensa lamang ito ng kanyang ina para maprotektahan ang kanyang anak. At walang masama dun.

Sa totoo lang, eh ano naman ngayon? Sino ba naman ang may gusting masangkot ang anak sa alinmang usapin gaya ng kontrobersiya. Kaso dahil nasa showbiz sila, malamang sa malamang, laging may mamumutakte.

Kung tutuusin, aminin man natin na tao pa rin naman sa totoo lang ang mga artista eh, iniidolo mo man o binabash mo. Ano naman kung ganun ang pananaw niya sa mga artistang sila Jasmine Curtis at Sam Concepcion?

Patunay ba ‘to na trip niya sa tunay na buhay si Jasmine kesa kay Kathryn na lagging ipinagdidiinan ng mga teleserye at mga jeskeng fantard? Eh kaso, ‘di ba, irog na ni Sam si Jasmine? Sabagay, no wonder nagreact ang boyfie sa ginawa niya. Buti nga hindi nainis nang todo-todo raw eh.

Eh kaso, ano naman? Kahit magreact pa na hindi tama yan, wala naman kayo magagawa eh. Buhay nila yan. Iba ang level nila kung ikukumpara sa inyo. Oo, wala kang magagawa ukol dyan. Ultimo kahit ang blog na ito ay hindi magmamatter. Pero dahil sa isang malayang bansa tayo na may say sa lahat ng bagay, aba malamang, no choice kundi makisabay eh.

Oo, maaring sabihing hindi tama ang mga nasabi ni DJ pero sa totoo lang din patunay lamang ito na tao lamang siya. At aminin man natin o hindi: natural an sa atin ang pangba-backstab. Hindi bago ang tsismis. Hindi bago na may pinag-uusapan tayong ibang tao. Bakit? Patunay lamang ng ating pagiging tao o “human nature.”

At sa totoo lang, hindi rin bago na pinag-uusapan rin tayo ng ibang tao. Hindi rin bago na pinupuna ang ating mga baho. Hindi rin bago na may masasabing masama o sama ng loob sa atin ang ibang tao. Bakit gaun? Simpleng dahilan lang din? Natural sa atin yan eh.

Quits lang.

Kaya sa totoo lang, matapos man ang iskandalong ito, mainis ka man kay Daniel, ang bottom line: siya sikat. Eh ikaw, ano?

At sa totoo lang, walang kasalanan ang mga sangkot na artista dito. Alam mo kung sino? Yung mga siraulong fan nila, particular yung mga loveteam nila na gumagawa ng mga bagay na nakapagpalala pa isyu. So sabihin na nating in pursuit ni Daniel si Jasmine, e bakit nila aawayin si Jasmine? Siya ba ang humahabol? Hindi naman ‘di ba? Tanginang lohika yan.

Ah, basta. Tama na ang eskandalong ito!

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...