Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, September 10, 2014

Saludo kay Gab

09/01/14 06:27:36 PM

Maliban sa Philipine Dragon boat team, sa Gilas Pilipinas at sa mga matitibay na atleta sa nakalipas, ito ang mas astig na dapat nating bigyan ng pansin: si Gab Moreno.

Ang 16 anyos na archer na galing sa kanyang eskwelahan na De la Salle univeristy (no wonder why they were called Archers sa UAAP in the first place), ay nakakuha ng gintong medalya sa Nanjing Youth Olympic Games noong nakaraang linggo. Astig, 'di ba?

Sinasabing ito ang kauna-unahang gintong medalya ng Pinas pagdating sa alinamng Olympic events, at halos dalawang dekada, o mula pa noong 1994 Summer Olympic Games sa Atlanta, USA noong nakuha ni Onyok Velasco ang pilak mula sa kanyang laban sa boxing.

Isa rin si Onyok sa mga kamuntikan nang nakakuha ng ginto sa alinmang paligsahan sa Olympics. Naalala ko lang ang iba noong ako'y dumalo sa isang presentasyon noong Araw ng Kasarinlan kung saan pinarangalan ang ilang atleta sa mga nakalipas na dekada ukol sa tagumpay na kanilang tinatamasan nun sa kani-kanilang mga karera sa sports.

Pero sa kabilang anggulo, sinsasabi na technically, hindi nakaginto ang Pinas dahil sa mixed team event ito. Ayon ito sa tropa ko na analista sa sports

So ibig sabihin, alaw pa ring gold ang Pinas pagkatapos nito? Ganun?

Oo, ganun nga. Maaring tunog-teknikal 'to. Pero, alam mo: dapat matuwa pa rin tayo matapos ang lahat. Hindi biro para sa isang atleta, sa kahit saang larangan ng laro at sa kung saang bansa ka pa nakadestino, ang magkaroon ng medalya — lalo na pag ginto ang usapan.

Ang tanong: suportado ba naman ng goberyno si Moreno pagkatapos ng lahat na ito? Ewan ko lang kung may hero’s welcome na idinaos.

Basta, tol, mabuhay ka! Magsisilbing inspirasyon ang natamo ng atletng ito para sa iab pang mga nag-aasam na magbigay ng karangalan para sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng sports.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...