Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Tuesday, September 02, 2014

"Safe" and "Pleasant"

8/25/2014 3:28:10 PM

Sinasabing "safe" and "pleasant" raw sumakay sa LRT. Yan ay sa kabila ng isang nakatatakot na insidente sa sa MRT Taft Station halos dalawang lingo na ang nakalipas.

Oh, talaga lang ah?

Ayon yan kay Department of Transportation and Communications secretary Jun Abaya. Sumakay siya minsan sa MRT at ayon sa kanya, safe raw ito. Ligtas raw para sakyan.

At pleasant pa.

Sabagay, human error kasi ang diagnosis sa isang insidente na kung saan ay nasira ang tren sa Magallanes station tapos pinatulak sa isang paparating na tren pero hindi umayon ang plano at sa halip ay napadausdos ito papunta sa Taft Staion kung saan ay bumangga ito sa barricade at may sinalpok na mga sasakyan. So, literal na nadiskaril din siya.

Pero… safe and pleasant pa rin daw siya. Ini-insist ba? Ewan.

Tangina, safe and pleasant pa ba ‘yun matapos ang insidente na nanakit ng mahigit 30 buhay? Lokohan yata ‘to eh.

Subalit, totoo rin ang sinabi niyang “kailangan na ng MRT ang upgrade.” Naku, harujusku, since time immemorial pa yata ang usapan ng pag-upgrade nito. Naungusan na ng moernisasyon sa LRT 1, at kahit mas primitibo pa sa edad ang LRT 2, aba’y di hamak na mas okay naman yung tren na 'yun, no.

Ultimong PNR nga pinabayaan eh. Kelan lang naibalik ang Bicol Express (ay. nasuspinde nga pala muli yun, ano)? A may plano pa nga ba silang buhayin ang North Rail, ang pinakamahabang linya ng tren nun kasama ang biyaheng Bicol? Nakakapanghinayag lang kasi kung mapapansin mo na lamang na ang dating latagan ng riles sa mga lalawigan sa Sentral at Norte ay nauuwi na lamang sa pagiging isang rough road o eskinita na may mga bahayang kahilera.

Pero… safe and pleasant pa rin daw ang MRT. Since 2008 yata ay hindi na naglevel up ang MRT. At matatandaang samu’t sariling aberya ang naganap sa mga nakalipas na mga buwan, bagay na tiyak na ikinadismaya ng mga tao. Kaya nga nauso ang #MRTBulok.

Pero… safe and pleasant pa rin daw ang MRT.

Ahoy, talaga lang ah? Teka, di ba minsan lang siya nakasakay nun? Eh kung gawin niyang madalas? Oo, mayroon ngang panukala nun na dapat ang mga opisyales ng pamahalaan, sa halip na sumakay sa mga pribado’t galante nilang convoy ay dapat matuto silang sumakay sa mass transportation system na kanilang itinatag ngaya ng MRT.

Oo, dapat ganun. Bakit? Dahil tayong mga mamayan ang boss nila. Plain and fucking simple!

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!