Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Sunday, September 7, 2014

Peace!

09/01/14 07:23:10 PM

At last, peace na sila. Sino? Yung dalawang nagkabanggan nang dahil sa isang biro. Isang biro na naging ugat ng kontrobersiya na nagdulot sa pagbasang sa kanya bilang persona non grata,

Tama, sila Ramon Bautista at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

instagram.com/ramonbautista

Sino ang naghudyat nito? Si Gang Badoy, ang founder ng Rock Ed Philippines. Ibinalita nya sa kanyang Facebook account ang mga nangyari.

Sinabi rin ng matandang alkalde na hindi absolute ang resoluyon ng City council ukol rito.

Pero kontra naman ang anak niya.

Naku, eh paano ito?

Basta, para sa akin, sila ang mga tunay na lalake. Bakit kanyo? Ano o anu-ano ang ipinakita ng mga ito?

Una, sa hanay ni Ramon Bautista, natuto siyang magpakumbaba. Umamin sa kanyang pagkakamali. Hindi madali para sa isang tipikal na tao ang ginawa niya lalo na't natural na sa atin, partikular sa mga lalake (na laging namumuhay sa ideya ng machismo), ang pagiging ma-pride.

At sa side naman ni Rodrigo Duterte, natutuong magpatawad sa kabila ng katigasan ng loob. Inacknowlegde niya si Bautista at ang kanyang effort. Patunay lamang na kahit ang pinakamaangas na tao ay emosyonal din.

Yan ang respeto. Yan ang mga tunay na lalake.

Teka, may bago na namang isyu, at sangkot na naman si Mayor? Nah. Sa ibang post na nating pag-usapan yan.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...