Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, August 14, 2014

Tales From The City Lights: Ang Kumentaryo Ni Arnel Ignacio

8/7/2013 12:01:25 PM

Isa sa mga bagay na nakakamiss pakinggan sa madaling-araw ay ang mga patola. Ops, hindi gulay na parte sa lyrics ng bahay-kubo ang tinutukoy ko. Patola rin kasi ang isa sa mga tawag sa mga mahihilig pumatol sa kung anu-ano. At ang isang Arnel Ignacio ay isa ring patola – mahihilig pumatol sa mga napapanahong isyu nun.


Minsan ko lang hinangaan ang batikang host noong nasa Siyete pa siya, sa programang K! The 1 Million Peso Videoke Challenge. At bandang 2000 na yata yun.

Fast forward tayo sa mga kakalipas na taon lang. Sa panahon na maaga ako nagigising nun (mga alas-tres o alas-tres y medya lang naman) ay naabutan ko ang tinig ng taong ito pati na rin ng mga kasamahan niya – ang tropang patola. As in tropang may kumento sa mga balitang pinapatulan nila.

Mas napadalas pa nga ang pakikinig ko noong panahon na hinahatid ko ang aking kapatid papunta sa kanyang trabaho nun. yung tipong pagbalik mo na sa bahay, sa halip na matulog ka muli ay mapapabir ka na lang muna ng kape at mag-aalmusal, sabay sa panonood ng kanyang programa sa madaling-araw.

In fairness kay Arnelli ha? Kahit papaano ay may kredibilidad ang kanyang mga sinasabi. Kunsabagay, naranasan na rin kasi niya ang makilahok sa pulitika e – tumakbo man o nakaupo. Wala pa ito sa panahon na nasangkot siya sa isang insidente sa kalye.

Halos isang taon rin siya nawala sa ere noong 2012 – akala ko tahimik na ang gabi nun. may pumalit man, mas maingay pero mas nakakamiss pa rin kasi ang pakinggan ang mga kumentaryo sa ganung oras e. Mas trip ko pa makinig ng ganun kesa sa timeslot na nakipagsabayan ang bunso sa mga utol, si Manong Ted, ang tandem ni Mike at Igan, at kahit yung kila Deo Macalma. Sa dami kasi ng mga ‘to, hindi mo alam kung kanino ka papanig para makinig.

Bumalik naman siya sa pagiging radio anchor – yun nga lang, ang dating 90 minutos na balitaktakan ay naging 60 na lamang. Parang bitin nga palagi e. As in sobrang bitin.

Mabuti na lang kahit papaano ay may mga kasing-utak niya kung makapaglahad. At least, may dahilan pa para buksan ko ang radyo ko.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...