Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, August 27, 2014

RP Strikes Back!

08/26/14 03:05:04 PM

Matapos ang apat na dekada, nasa pangmundong entablado na naman ng basketball ang Pilipinas.

Ngayon, ano na? Patunay nga ba ito na kaya na nga bang makipagsabayan ang Pilipinas sa buong mundo? Maari naman, siyempre.

Isipin mo, 1986 pa dapat kasali ang RP sa prestihiyosong World Basketball Championships, subalit dahil sa sigalot sa pulitika, hindi ito naisakatuparan. So, kasalanan pa ba ng gulo ng Snap Elections at People Power ang naunsyaming tiyansa? Hindi ko masasabi. (Dahil malamang, hindi pa naman ako tao nun.)

Fast-forward sa kasalukuyan. Sa panahong na tila bumaba ang antas ng galing ang Pilipinas sa basketball, tinalo pa ng China, Korea, Lebanon, Iran at iba pa, pagdating sa paunahang basketbolistang makarating sa NBA.

Maaring yan ang nakikita mo ngayon, pero hindi ibig sabibhin niyan ay simula't sapul ay kulelat talaga ang Pinoy pagdating sa basketball (at ang argumentong “eh kasi ang liliit natin pagdating sa height” ay isang obvious na hindi balidong dahilan).

Kung matututo kang gumamit ng mga gaya ng Google, Wikipedia, atbp. (ibig sabihin, mag-research), baka magulat ka kung malaman mong minsan nasa pangatlong pwesto ang Pilipinas pagdating sa Basketball World Cup, tapos ika-limang pwesto sa Olympics, ang pinakamataas na posisyon na narating ng isang bansa galing sa Asya, ang pinakamalaking kontinente sa mundo.

Pero bakit nga ba dumausdos ang RP mula noong nakalipas na dekada? Samu't saring isyu sa pulitika at larangan ng palakasan ang naging tanging dahilan. Minsan kaya ay nasuspinde na tayo mula sa pakikihati sa mga kumpetisyon sa FIBA. Nailift lamang ito noong nakaraang dekada.

Mula roon ay nabuo ang Gilas Pilipinas. At pagkatapos ng halos kalahating-dekada ay masasabing kakaiba na rin ang improvement nito. Hindi madaling magtaguyod ng koponan na isasabak mo sa palaruang pang-mundo sa lalong madaling panahon. Pero hindi maituturing na tsamba ang lahat. Oo, baguhan nga, pero nagawa namang maging dominate sa Asya, kasunod lamang sa kampeon ng kontinente, ang Iran.

Bagamat sa totoo lang din, hindi masasabing pwoerhouse ang Pilipinas pagdating sa world basketball. Marami pa rin silang kakaining bigas. Di hamak na nagpatindi pa ang ibang bansa ng lineup. May mga iba pa nga d'yan na may mga manlalaro sa gaya ng Euroleage, ABL, CBA at ultimong NBA.

Ano na lang ba ang ipanlalaban ng Pinas kung kulang sa height? May PUSO, naaalala mo? Ang sandata ng mga Nationals sa 2013 FIBA Asian Championship last year? Kalimuta ang homecourt advantage. Tignan mo ngang nagawa pa nating ma-stun ang China sa kadulu-duluhang oras ng FIBA Asia Cup sa kanilang bayan?

Bagamat masasabi ko na hanggang sa Round of 16 tayo mas makalas ang tiyansa. At sa pagbabago ng format ng torneo sa mga susunod na taon, hangga't may pusong lalaban sa Pilipinas, nasa mapa pa rin tayo ng mundo ng basketball.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...