Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Saturday, August 02, 2014

May Bagong Sex Scandal! Eh Ano Ngayon?! (v. 2014)

8/2/2014 3:35:33 PM

Okay. So ang isang newsmaker ay nagging laman ng balita ngayon ano? Naging subject lang naman siya ng isang kumakalat na sex scandal video sa social media.

Ang tanong: eh ano naman ngayon?!

Parang recurring post nlamang ito ng ilang tao na nagiging tampulan ng tukso. Oo, araw-araw naman ay mag nagtatalik ah. Yun nga lang, iba-iba ang taong gumagawa nito; at ang siste: ang iba, pinipili na irecord ito, tulad na lamang ng mga personalidad na nagiging lamang ng mga balita (aba’y minsan pa nga ay sinesensationalize pa ito ng media mismo at ginagawang headline sa kani-kanilang mga newscast). At moreover, ng mga tulad ng newscaster-slash-host  Paolo Bediones.

Eh ano naman ngayon kung may bagong sex scandal na umiikot sa sirkulasyon?

Parang mga siraulo din kayo, ano? Masyado kayong nagpapanggap na inosente sa mga bagay-bagay. Masyado kayong nagpapanggap na walang alam at mandidiri kapag nakarinig ng salitang sex. Masyado tayong nagpapaka-curious sa isang bagay na ghinagawa naman ng halos sinuman (sieympre, may kasamang diskresyon at pribasiya na ‘yan).

Sa madaling sabi, masyado tayong nagbibigay ng pamarisan sa mga bagay na hindi naman dapat nating pamarisan in the first place.

At pustahan, pag ganito ang usapan, pag may kumokontra tulad na lamang ng siraulong ‘to na nagsusulat ay tahasan n’yo ring kinokontra. Walang kamalay-malay na lumalabas sa mga kumag na ‘to ang kani-kanilang kahiporktiuhan.

Pero... balik tayo sa pinag-uusapan: eh ano ngayon kung may bagong sex scandal?

Kung papakinggan ang mga tsismis sa parehong mundo ng virtual at realidad, ayon ito sa kanila ha? Magaling daw siya sa kama. Sayang nga lang kasi wala daw chemisty nung babae. Ang siste pa daw: CARTOONS pa daw ang file name. Ngek. Ayos sa pag-organisa ng file ha?

Pero may piece of throwback lang, kung tama pa ang memorya ng inyong lingkod. Parang minsan ay napag-usapan na rin ang isyu na ito nun sa palatuntunan ng palaging kontrobersyal na DJ na si Mo Twister nun. Seryoso, nasa kolehiyo pa lang ako nun eh.  May tumawag diumano na nagbrought up ng topic na yun. Pero sayang, di pa talamak ang pagkauso ang podcast recording nun (kaya wag ka nang numasang amgresearch pa ukol dun).

Pero either way: anong pake namin? Anong pakialam ng mundo? Porket adik sa kontrobersyal ang isang radio DJ kaya ganun? Ironically, nakita ko lang din ang isyung ito sa tweet din niya nung Linggo. Wow.


Asus. As if naman itong isang regalo t'wing Pasko no?


Sinasabing mas nagtrend pa nga si Paolo Bediones, or sa mata ng mga cybermanyak — Paolo Videones, nung Lunes kesa sa mga blow-by-blow account ng mga kaganapan noong nakaraang State of the Nation Address. Ano nga ba patunay nun? Maliban sa walang tiwala ang mga mamayan sa gobyerno?

Simple: kung gaano tayo kamangmang pagdating sa usapin ng SEX. Hindi ito usapin ng pagiging liberal at konserbatibo, ha? Masyado tayong mababaw at nagpapanggap na walang kaalam-alam whereas in fact, isa rin ang sex sa pangangailangan natin bilang tao at tinuturing natin ito bilang isang taboo (i-Google n’yo na lang ang Hierarchy of Needs ni Abraham Maslow).

Inoobserbahan ko na lang din ang reaksyon ng tao. Malamang na hindi nabigyan ng pansin ito sa programa ni Paolo nun na Aksyon Tonite (or maybe mintis lang ako sa pag-ispat). Pero kung development sa isyu lang naman ang anggulo, ay nangblackmail pa raw sa kanya (and of course, foul na talaga yun).

Kaya naman nagsumbong siya sa cybercrime division ng kapulisan para dito. Dito rin sana papasok ang charge ng Cybercrime Act of 2012 (kaso, okay sana kung malinaw lang ang e-libel probe). Kung maalala n’yo, ganito rin ang hakbang ni Chito Miranda. Ngunit pagkamatay ng isyu nun (hay, salamat!) ay wala rin balita kung nadakip ba ang siraulong nagkalat nun.

Ngayon, kung sa usapin lang naman kung bakit ginagawa ito ng mga tao ang pagrecord ng mga sexual intimacy scenes nila ng kani-kanilang mag partner, ke asawa man yan o ex, e hindi ko rin alam. Basta, kahit sa totoo lang ay kontra ako sa mga ganung kilos eh wala rin tayong magawa. Parang kasabihan lang na “walang basagan ng trip.”

Sabagay, pribadong bagay na rin kasi yan eh.

Ay, teka: may bagong scandal ulit?

Oh, talaga?!

Eh putangina, ano naman ngayon?!

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

5 comments:

  1. Yea. Feeling ko kulang lang sa ano yung mga tao kaya ganyan. I don't care about it, I just pity them kasi kumalat ang isang personal video nila. Kudos on your post! Gab of www.taragumala.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. Ang tao kasi, gusto lagi nakakalamang sa iba. Yung pagkalat ng sex scandals na yan parang sinasabi mo na din na I'm better than this person kasi hindi ko yan ginawa. Or more or less dahil natural na chismoso tayong mga Pinoy.

    ReplyDelete
  3. Ang mga iyan ay kulang sa pansin at wala sa sarili. Wala bang ibang topic sa mundo? Okay sa ibang araw na lang.

    ReplyDelete
  4. isa lang masasabi ko sa pumapansin sa mga video scandals. mabababaw.

    ReplyDelete
  5. hahahaha! siguro dahil sa salitang "scandal" kaya maraming tao ang nagiging curious at nagkakandarapang mapanood yun.. i salute you! dahil lalaki ka pero iba ang naging pananaw mo sa ibang mga lalaki. hehehe

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!