Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, July 30, 2014

Last Home Buster

7/29/2014 3:44:45 PM

Nakakadismaya nga naman, ano? Akalian mo, isang basketball game sana tampok ang mga manlalaro ng NBA at ang Gilas Pilipinas, nakansela pa sa pamamagitan ng “last minute announcement” noong gabi ng Lunes, Hulyo 21, 2014, sa Smart-Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ayan tuloy, nauwi sa scrimmage ang dapat sana’y isang exhibition contest.

At ang siste, mantakin mong magkano kaya ang binayad ng karamihan sa mga ‘to? Balita raw ay mual P750 hanggang P23,300. Wasak, men.


23 thousand para lang sa isang tila practice session? Seryoso ka ba?! Mukhang mas mura pa yata ang ticket para sa alimang contest ng NBA Summer Vegas league nito ah.

Pero ‘wag kang basta-basta magagalit. Ayon kasi sa oraganizer nila ay “wala raw naman talagang game na magaganap.” Pero tangina, ang laking joke naman nun. Nag-imbita ka ng mga manlalaro mula sa National Basketball Association tapos ang sasabihin mo ay hindi naman sila maglalaro ng 5-on-5?

Tangina ulit. Nagpapatawa ka ba? Siguro yan ang dahil sa expectation na rin ng mga tao. Of course, maliban na lang yan siguro kung sadyang bisita lang ang hangad nila sa bansa, o dahil naimbitahan silang isang outfit apparel? O dili naman kaya’y “bakasyon” lang talaga.

Once na nagdala ka ng mga manlalaro mula sa NBA, nine times out of ten ay expected na maglalaro yan, lalo na kung marami-rami pa ang naimbitahan mo. Kaya masisisi mo ba sila kung yan ang inaasahan nila?


At hindi pala excuse dyan yung statement na “hindi nga namin inadvertise na may laro ang mga yan.” Sa mga taong gutom sa basketball, at sa pagcrave nilang makapnaood ng mga mala-NBA na laro gaya na lamang last year sa MOA Arena,  hindi talaga excuse yan. Good luck kung sa kabila ng pagpapaliwanag mo ay papakinggan ka pa nila. Dahil bottom line dyan ay gumastos sila para dyan at umaasang may mapapala sila na mas maganda kesa sa alinmang teleseryeng tinatangkilik nila sa TV at pati na rin sa pelikula, sa mga laban ng UFC, PBA, UAAP at WWE.

At oo nga pala, ‘tol. Ilang NBA player ang inimbitahan mo. Partida hindi pa dumating sila Blake Griffin at Paul George niyan.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit nakansela ‘to? Hindi raw kasi sumunod sa mga alintuntunin ng NBA ang organizer nito.

Sa totoo lang, hindi PLDT ang may sala nun (dahil hindi sila ang ang-organisa nito).

At dahil dyan, may refund silang inaalok para sa mga hindi naging masaya rito, bagamat ang sinabi rin nila ay para rin naman sa charity ito. Oo, sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sa unang banda, baka masumbat mo na naku, dinamay mo pa ang kalamidad. Pero sa kabila naman, maaring masabi rin na aba, nakatulong pa pala ako.

Pero dahil kayo naman ang gumastos, prerogatibo niyo na ‘yan.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Habey! hahaha. Uulitin pa kaya nila ung ganitong eksena? Hindi sila nag promote pero sa PBA, panay ang annouce nyan? :))

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...