Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, May 12, 2014

National Problem: Internet Connection (v. 2.0)

09/05/2014 12:45:23 AM

Ang Pilipinas ay ang bansa na may pinakamabagal na internet connection sa buong rehiyon ng Timog Silangang Asya.

http://www.mb.com.ph
Pero, ano naman bago sa mga ito? Masyadong bang evident para pag-usapan ito?

Oo naman, sa panahon na 20 taon na ang internet sa ating bansa (at take note, hindi sa Maynila ang pinakaunang lugar sa Pilipinas na nagkaroon ng internet. Saan kamo? Sa bandang Cebu lang naman), di ba nakapagtataka kung bakit nuknukan pa rin ito ng bagal?

Kaya nga ultimo ang isang senador ay gustong pagpaliwanagin ang mga telecommunications company ukol dito.

Pero huwag kang masyadong mareklamo d’yan. Alam ko, at alam mo, at alam natin lahat na isa na sa ating basic human necessities ang internet connection. Actually, mali, parte na nga ng basic human needs or rights na nga yun eh.

Dahil dito nahuhubog natin ang kaalaman na mas higit pa sa mga tinuturo sa atin sa eskwelahan. Sa pamamagitan ng internet ay nagagawa natin na gumawa ng ugnayan sa ibang tao, partikular sa mga taong hindi naman natin kakilala talaga. Sa madaling sabi, mas natutuklasan natin ang mundo gamit nito.

Pero mabagal pa rin ang Internet connection sa Pilipinas? Sing-taas na bang national level ang isyung ito? Sigurado bang pag pinag-usapan ito ay hindi masasapawan ang pork barrel scam, ang walang kamatayang kaechusan ng three stooges, at ultimong pagyayabang ni Kris na mas lamang ‘daw’ ang pelikula ng kanyang anak kesa sa unang installment ng The Amazing Spider-Man?

Actually, hindi. Dahil kung magpapakatotoo lang naman tayo ay hindi lahat ng tao ay may ganap na kaalalaman sa internet. Bagkus, ang iba pa nga ay wala ring interes na pag-aralan ito. Sa madaling sabi, dahil sa maraming ignorante at marami ring makikitid ang utak at piniling pairalin ang kamangmangan kesa sa lumevel-up ang kanilang pagkatao, yan din ang dahilan kung bakit hindi ganun katas ang demand ng intenet sa atin.

May kinalaman din ba ang mga negosyante ukol rito? Dahil sila ang nagpo-provide nito eh. Hmmm, maaring sabihin, pero mahirap rin ito patunayan. Dahil alam naman natin lahat na gusto nilang kumita. Pero hindi naman siguro lahat ng negosyante ay magpapakagahaman at bagkus ay gusto rin naman nilang makita na inieenjoy ng mga customer at kliyente ang kanilang mga produktong inangkat sa merkado.

Pero dahil kulang nga tayo sa demand, kung ikukumpara sa mga kapitbahay natin, hindi basta-batsa lelevel-up ang kagustuhan natin na magkaroon ng maganda-gandang internet connection. At pustahan tayo, pag may isang kumpanya na nagalok ng nuknukan ng bilis na serbisyo nito, mapapamahal ka. At siyempre, kapag marami na ang sumunod sa uso dito, babagal din yan. ‘Di mo ba yan napapansin nun sa advent ng mga DSL connection at ultimo mga mobile broadband (yung mga nasa USB lang?).

At ito lang din, alam ko mahal ang binabayaran natin sa tila kakarampot na bilis. Pero, yan din ang realidad. Isipin mo, sa mga bansa na umuunlad, kung mataas man ang sahod nila, mataasdin ang gastusin nila.

Ika nga ng Evolution, “either you adapt, or you perish.” Anong konek, aber? Malamang,nagbabago ang lifestyle eh. Either susunod ka or else... kung hindi, good luck naman sa buhay mo, lalo na kung wala kang disiplina bilang tao.

Halos sama analogy lang siya kung ikukumpara sa mga OFW na nagpapadala ng pera sa ating bansa. Akala mo ang yaman ng tropa okamag-anak mo para padalhan ka? Wag kang umasa ‘uy! Maaring kumita siya ng singkwenta mil (converted na sa Philippine Peso), pero mataas din ang gastusin dun.

Anyway, balik tao sa usapan. Katulad nga ng sinabi ko, kung maraming tao ang magpapakita ng kagustuhan na maging intelektwal omaging simpleng maalam na tao langpagdating sa internet, baka dyan tayo uusad.


Huwag nga lang tayo maghintay ng 20 taon o higit pa, para mangyari ito.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...