Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, January 6, 2014

When Love Is Over-Rated

8/3/2013 1:10:48 PM

Minsan, ba nagiging over-rated ang pag-ibig? Oo, kapag (1) hindi ito isinapuso ng maayos; (2) 'pag nakalimutan mo nang gamitin ang utak; (3) kung sarili mo na lang ang iniisip mo; (4) kapag ginamit mo ‘to bilang capital sa negosyo; at (5) kapag nagpadala ka sa bugso ng iyong emosyon.

Oo, love can be over-rated sometimes nga. Dahil bumebenta ito, minsan ay nakakaumay na. mula sa mga telenovela hanggang sa lokal na pelikula hanggang sa showbiz balita (at kahit nga pulitika dahil single ang kuya mo sa tanan ng kanyang panunungkulan), hanggang sa mga tsismisan ng kapitbahay mo.


Minsan nga hindi mo nalalaman, pinuputakte na ng mga mokong at loka ang lovelife mo. Kung may nangyari ba sa inyo ng girlfriend mo. Kung bakit ang lakas ng kalabog sa kwatro mo. At kung anu-ano pa ang development sa istorya niyo. Humahaba ang walang kwentang kwento, porket para itong pelikula na pumapatok sa takilya.

Pero minsan, over-rated na rin ang pag-ibig. Kapag inabuso, nakamamatay. Parang yung mga crime of passion na nagaganap sa ating lipunan. Sa dinami-dami ng mga ulat ng kapulisan na nagaganap sa ating bansa, may iilan d’yan na ang pinag-ugatan ay “selos.” Tila may sapi na sa ulo ang sinumang perpetrator ng krimen na ang biniktima ay ang kanyang partner na relasyon.

Love can be over-rated sometimes kung wala pa sa tamang edad ang turingan ng magkasintahan. Buti sana kung tapos na ng pag-aaral ang mga ‘to e. Kaya ayan, ang mga loka at mokong, nagkaroon ng anak nang wala sa tamang oras. Napahinto sa pag-aaral. Napilitan magtrabaho. Imbes na umasenso ang buhay at relasyon, naghirap pa lalo.

Minsan nga ganito pa ang scenario e. Sobrang obsessed nila sa pag-ibig, nauuso sa social media ang mga linyang may kinalaman sa pag-ibig. Mula pick-up ling hanggang sa mga quote mismo hanggang sa mga patama. Halos lahat ng emosyon ay andun na. sobrang obesses nga lang nila dito rin nagkakaroon ng gender superiority. Ke ang mga abbae ay ganito, ang mga babae ay ganito. Pataas ng ego ang gago at gaga.

Tama, love is so-over-rated nga paminsan-minsan, lalo na kapag hindi ginagamit ang emosyon ng tama.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...