Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, January 16, 2014

Alaala ng Studio 23

1/16/2014 1:21:15 PM



Sa totoo lang, mula noong kalagitnaan ng nakaraang dekada lang ako mas nakatutok sa Studio 23. Siguro dala ng pagkahumaling ko nun sa panunood ng mga collegiate league sa Kamaynilaan tulad ng UAAP at NCAA.

Samahan mo pa ng mga palabas na banyaga na dati rati ay laman ng Channel 2. At pati ang mga locally-produced na programa na ganun din. Pati nga yata yung Family Rosary Crusade ay kasama din dun eh.

Twitter.com/YSpeak

Naalala ko pa nga kung gaano kaastig ang chemistry nila Ryan Agoncillo at Bianca Gonzalez sa Y Speak. Sa totoo lang, kung ang ANC ay may “Square Off,” ito yung masa version. Pero “masa” in a sense na hindi gaguhan ang laman. Siguro nung nawala ito, (at isama mo na rin ang "Debate nila Mare at Pare" sa GMA7), naging basura na rin ang pamamaraan ng pakikipagtalo sa panahon ngayon, lalo na’t mahahalata mo yans amga forums at post sa Facebook.

Naalala ko nga na may mala-Misfit segment nun si Ramon Bautista sa Gameplan. Pati yung Stoplight TV, at ultimo ang Strangebrew.

Pero kung datingan kasi ang usapan, tiyak na naalala ang Studio 23 dahil sa coverage nila ng UAAP at NCAA nun (until napunta sa TV5 ang pagcover ng NCAA noong 2011).


Photo credits: YouTube

At sino pa bang makakalimot nun sa “Wazzup Wazzup,” ang comical news show nila Vhoing Navarro, Toni Gonzaga, at Archie Alemania? Parang nabuhay ang dating Sic O Clock News sa WW, e no? Or kung mas mapagmasid ka, sa CQC ng Argentina.



At oo nga pala? Ang Usapang Lalake? Kahit two years lang nagtagal ang programang ito sa ere, aba, isa kaya ito sa mga palabas para sa mga... ehem, tunay na lalake.


https://www.facebook.com/usapanglalakecreators3
Kung tutuusin, ang talagang target audience ng channel 23 nun ay ang mga kabataan, at halata yan sa mga slogan nila – partikular na ang “Kabarkada Mo!” noong 2004 hanggang 2009, at ang “Iba Kabarkada” noong 2010 hanggang sa paghinto nito sa ere sa darating na Biyernes, January 17, 2014.

Pero sabagay, nagbabago din ang dikta ng industriya ng media. At least, ito, hindi ito tulad ng mga mainstream network talaga na sobrang baduy at basura na lang ang mga programang ipinapalamaon nila sa karamihan. Medyo pabor pa rin sa audience ang magiging panibagong format nito na 75-25 – as in 75 percent sports and 25 percent entertainment.

Mukhang men’s channel pa nga ang datingan nito.

Anyway, 17 years? Hindi biro ang paglalakbay ng Studio 23, na unang nagsimula bilang taga-broadcast din ng MTV Asia nun, bago nagkaroon ang ABS-CBN ng sariling music channel sa pangalan ng Myx.

Saludo ako sa mga tao ng Studio 23. Salamat, mula sa isa sa inyong kabarkada.


instagram.com/slickmastertheblogger

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...