Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Sunday, December 22, 2013

Wishlist On A Throwback Playlist

7/24/2013 2:50:35 PM

Pre-script: Una akong nagsulat ng draft nito noong Pebrero 2012 pa. Sa kasamaang palad nga lang ay 'di ko siya naretrieve. AT siguro, mas okay na siyang isulat ko sa wikang Filipino tutal aminado naman ang inyong lingkod na sumasablay din ako paminsan-minsan sa pagsusulat ng Ingles. Anyway....

I-set aside muna natin ang dahilan na "meron namang Jeepney Tv eh!" o pati yung Fox Filipino.Tol, hindi lahat sa atin ay may cable (kahit ang inyong lingkod - wala ring cable). Kung may time machine lang ako, siguro babalik ako sa mga araw at gabi na umeere ang mga ganitong palabas.

Pero maliban pa sa mga sitcom at gag shows, isama mo na rin ang pagpapalabs ng mga pelikula, ito ang mga palabas na sa tingin ng inyong lingkod, at dapat na umeere pa as panahon ngayon. Ang mga tinampok o sa artikulong ito ay ang mga palabas na umere sa nakalipas na mga taon (sensya na, di ko matantiya).


www.ustream.tv
Usapang Lalake. Ito ang palabas ng mga Tunay Na Lalake. Dito mo malalaman ang mga  kalokohan ng ilang kalalakihan, at ang mga bagay na kinalolokohan nga naman. Dito rin nabigyan ng break ang ilang mga personalidad tulad ni Kuya jobert Austria at Alex Calleja. Nakakaaliw lang sila kahit Rated SPG ito at t'wing Miyerkules ng gabi ito umeere sa Studio 23 nun. 4 na seasons din sila nagtagal, 'di ba?

PILIPINAS, GAME K N B? (http://www.abs-cbnglobal.com/)
Pilipinas, Game K N B? Alam ko, merong playback episodes ‘to sa Jeepney TV. Pero mas aliw ako sa mga panahon na si Doods pa ang host nito. The other side ni Edu Manzano, ika nga. Sobrang ibang-iba mula noong nag-host siya ng The Weakest Link sa IBC 13, na matapang o maangas. Dito, kwelang kwela kahit ganun ang datingan ng kanyang persona. Naalala ko na pinapanood namin ‘to twing lunch time noong high school kami.

THE FRONT ACT SHOW. (forum.flipbykes.com)
The Front Act Show. Tatlong bagay kung bakit: Stanley Chi, Mike Chan at Bogart The Explorer.

TAYUAN MO! AT PANINDIGAN (http://pgnl.ph)
Tayuan Mo At Panindigan. Isa sa mga paboritong talk shows ko noong 2011. Pinakapaborito ko sa channel na Aksyon TV. Lalo na’t ibang klase ang on-air chemisty ng apat na tao na may pangalang Aida Sy, Carlos Celdran, Lourd de Veyra at Direk Joey Reyes. May pagkakataon pa nun na napansin ang aking Facebook comment nun na nagsasabing dapat may Facebook account na ang babaeng host nila nun.

DUELO: BARILAN NG OPINYON (https://www.facebook.com/duelo.aksyontv)
Duelo. Natatanging palabas ng isang Dick Gordon. Napakatalinong mama, maliban sa malaki ang kanyang kamay noong minsang kinamayan ko sa kasagsagan ng pangangampanya sa darating na 2010 Presidential Elections. Ito ang isa sa mga palabas nun, kasama ang De Kalibreng usapan ni Dong Puno at ang TMP, na dapat pinanunood ng sinumang may pakialam sa mga isyu ng bayan. Ilang beses rin nakilahok ang inyong lingkod sa kanilang diskusyunan sa Facebook account nito.

BITAG LIVE (n5e.interaksyon.com)
BITAG Live. Bagamat umeere pa naman ito sa Radyo5 92.3 News FM at sa Aksyon TV, namimiss ko pa rin ang dating... err, datingan ng palabas na ito sa UNTV. Kada umaga yun, halos kada araw ay pinapanood ko ‘to, lalo na pag live na live na tumatalakay ng anong isyu si Ben Tulfo. Pati na rin ang mga BITAG classic segments nila Pero ayon na rin sa isa sa mga nakausap ko na dating personalidad ng naturang channel, nagpasya na rin siya na umalis dun at sa mga istasyon ng TV5 at PTV4 nga ituloy ang kanyang pambibitag sa mga tiwali sa lipunan.

STRANGEBREW (www.istorya.net)
Strangebrew. Kung isa kang Brewster, dapat alam mo ito, na ang quartet nila Direk RA Rivera, Ramon Bautista, Arvin “Tado” Jimenez, at Angel “Erning” Rivero ay nabuo nang solido sa palabas na ito (kahit tatlo sa kanila ang nasa screen at ang isa... well, nagdi-direct). Ito yung mga panahon na hindi pa pagmamay-ari ng Ang Dating daan ang UNTV. Kung hindi nga ako nagkakamali nun ay ang mga tao sa NU107 rin ang may hawak sa istasyon na ito nun e. Well, tamang-trip lang, na parang signature word ni Erning.

WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE (wikimedia.org)
Who Wants To Be A Millionaire? Ke to man ang panahon na si Boyet o ni Bossing (pero buti na lang kahit papaano ay 10 season na tong umeere sa TV 5 and so far, okay sa akin ang content ng kasalukuyang Millionaire game show) . Ito ang isa sa mga foreign-franchised game show na umeere sa IBC 13 nun. At Viva Television pala ang tawag sa kanila nun ng mas madalas kasi blocktimer dun ang VIVA. Basta, gusto ko lang ang palabas na ito dahil marami akong natututunan e, tulad rin ng mga tulad ng Battle Of The Brains, Digital LG Quiz, at pati na rin ang Game KNB?

DIGITAL LG QUIZ (http://driveandgrind.blogspot.com/)
Digital LG Quiz. Isa sa mga natatanging palabas na naglarawan kay Paolo Bediones ng pagiging maalam niya. Nerd o geek, you nemae them. Pero akmang-akma sa kanya ang palabas na ito, kasama si Regine Tolentino. Linggo ng umaga ito umeere sa Siyete, kung hindi ako nagkakamali. Sayang nga lang, tila wala nang ganito sa mga major TV network sa panahon ngayon. Mas pinaunlakan pa yata nila ang kalandian kesa sa pag-aaral.

Dami kong hiling, no? Pustahan, hindi lang naman ako ang may pananaw na ganito e, na yung panahon na usong-uso pa ang mga ganitong palabas. Now, if only may mga mga VCR recorder ako tulad ng mga tao na gawain ay ganun noong mga nagdaang dekada. Naalala ko kasi yun ang pamamaraan ng ilan para makapagpadala ng mga tape na naglalaman ng mga programa sa telebisyon papunta sa mga lugar na 'di maabot ng mga istasyon.

Post Script: Libre mag-comment, ha? Baka sa mga feedback n'yo ay makagawa pa ako ng part 2 ng post na ito as long as familiar din sa akin ang mga palabas na yun. For the mean time, ito muna.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...