Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, December 26, 2013

Paalala Sa Mga Inaanak (v. 2013)

12/25/2013 8:23:16 PM

Next year, pakisabihan nga ang mga magulang niyo na tawagin kaming "ninong" kahit hindi araw ng Pasko ha? HINDI yung tatawagin kang "tito" pag ordinaryong araw lang, tapos kapag December 25 na, "NINONG! Pamasko ko?" ang isusumbat, ni hindi pa nga kayo tinuruan kung paano ang tamang pagmamano eh.


Kelangan ko pa bang i-explain ‘to? Sige na nga kahit hindi ako si Donya Ina, dahil tamad tayong umintindi (at marami pang mga tatanga-tanga d’yan na nagrereact kahit hindi naman sila nagbabasa man lang), pagbigyan. Pasko naman eh.

Sa totoo lang, wala nang mas nakakairita pa sa mga taong lumalapit sa iyo kapag may kailangan ka. Parang ‘tong mga ‘to: mga inaanak na bigla na lamang susulpot sa bahay mo kapag arawa ng kapaskuhan.
Pero kawawa naman ang mga musmos na bata ‘pag pinatikim mo ng kalupitan. Nang dahil lang sa pagiging supot ang utak ng mga magulang nila.

Oo nga eh, pero leche, para sa isang straightforward na tulad ko, hindi uso yan. ‘De, hindi naman ako nagiging malupit pagdating ng Pasko eh.

Pero still mas nakapang-iinit ng ulo ang mga magulang pag tinuruan nila ang mga anak nila ng ganito: “pag hindi Pasko, iba ang tawag sa iyo (i.e. “tito, kuya, uncle”). Pero kapag yun na, “HI NINONG!”

ABA. Wow ha? Sobra naman yata ang pagiging kapal ng mukha niyan. Mas lalo na kung pagkatapos ng Pasko ay echapwera ka na sa eksena nila, as in pag nakasalubong ka nila sa daan, hindi ka nila papansinin o babatiin man lang. Oo, kahit eye to eye na ang contact n’yo.

Ayaw ko sabihin ‘to, pero sinumang magulang ng mga gan’ong bata ay sobrang iskwater. Hindi sa pagiging scrooge o sinumang maangas na siga ha?

Skwater nila kasi magkukumbida sila ng mga tao na feeling nila ay makakaiskor sila ng kahit kaunting material na yaman, lalo na kung hindi sila naghihirap o ni nagtatrabaho man lang.

Okay lang sana ang magbigay (no question dun), pero ang lahat ng kabaitan, tulad ng lahat ng mga akto ng kasamaan, ay may hangganan. Ibig sabihin pag lumabis ka, abusado ka.

Eh paano pa sa panahon ngayon na masaydong nang materyalistiko ang mga tao? Eh paano pa sa kasalukuyan na “pera” na ang nagpapaikot sa isip ng tao? Totoo rin naman dahil ayon sa mga ulat, pera ang mas kailangan ng tao, kaya di kataka-taka na marami sa mga bata ay nagaalburoto kapag nakatatanggap ng regalo na laruan, gamit pang-eskwela, o ni damit.

Yung mga magulang din kasi eh. Mahilig din manggatong, pasimpleng hirit ba ng “perahin mo na lang ang bigay mo sa inaanak mo!” Kahit pabiro ‘to, nakakasakit pa rin. Para mo na rin kasing sinabi na “hindi ko kailangan niyan. Nagregalo ka pa!”

Kinginang yan, baka naitak ko pa ang nagsabi niyan sa akin pag nagkataon, at sabihing “tarantado ka pala eh! Buti nga niregaluhan ko pa kayo!”

At please lang ha? “huwag masyado maging demanding. Hindi kami nagtatae ng pera.”

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...