Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, December 5, 2013

Lessons From The “Privilege Shits.”

12/5/2013 11:34:08 AM

Nakakaurat na. May privilege speech pa silang nalalaman. Ano naman ang laman? Tirada, kontra-tirada, insulto, bwelta sa insult. Kumbaga sa elemento ng rap battle, debate, o kahit stand-up comdey, may punch line at may rebuttal, at minsan ay may counter-rebuttal pa.

Nakakainis, ‘di ba? Sa nakalipas na dalawang linggo ay nakarinig tayo ng magkasunod na ganitong patutsada sa Senado.

Pero, may bago pa ba sa mga ito?

Ito, ang aking mga paalala para sa inyo:


Gumalang sa mga nakatatanda. Mahirap magpalaki ng matanda, ika nga ng isang nababagot na anak. Kung tutuusin, self-explanatory na ‘to eh, unless kung hindi ka pumasa sa GMRC. Kaya naman pala balahura din ang ugali mo. At dahil kailangan mong gumalang sa mga matatanda.

Wag kang magsasalita nang basta-basta laban sa kanila. Parang batas lang yan sa boss at sa karelasyon mong babae eh:

Rule #1 – The boss/woman is always right; at
Rule #2 – If he/she is wrong, please REFER TO RULE #1.

Tanginang Corporate Rules at Sexist na standard na ‘yan, e no? Pero bakit nga ba wag kang magsasalita ng basta-basta laan sa kanila? Dahil…

Mag-ingat sa mga makakaduelo mo. Dahil hindi lang paksa ng usapan ang ibabato nila laban sa iyo. Tama, kung akala mo ay isyu lang ng pork barrel scam ang iniinsulto ng mga ‘to sa isa’t isa, nagkakamali ka. Kitam mo nga, nagkakaroon nga ng personalan na banatan laban sa kanila. Si Miriam, siraulo. Si Enrile naman, babaero. Si Miriam, bagsak daw ethics. Si Enrile naman, parang daga sa pagkaduwag. Saan kayang baul nila yan hinalungkat? Dapat hindi pinag-uusapan ang mga labas sa pinag-uusapan eh. Contradictory nga ito sa naunang binanggit. Pero sa kasamaang palad, hindi ito nangyayari. At kaugnay niyan…

Controversy sells, ika nga ni Mommyjoyce. Ang isang kontrobersiyal na bagay ay mas tinatangkilik ng mga tao. Bakit ganun? Siguro, out of curiousity.

Maari ring likas tayo na mga nega, dahil aminin man natin o hindi, mas pinapansin pa natin ang mga bangayan kesa sa mga magagandang balita. Kaya nga mas namimiss natin ang Face-to-Face kesa sa mga programang may kabuluhan eh.

Likas tayong mapapel. OO, EPAL nga. Mahihilig tayong sumawsaw sa mga isyu na hindi na dapat nating sinasawsawan pa. Mahihilig din tayong pumuna sa kilos ng isa kahit hindi natin alam kung mali ba ang ating iniisip sa kanya. Tignan mo na lang ang akto ng paglalaro ng Bejewelled ni JPE habang nagsasalita ang Ilongga senator. Pustahan tayo, mas napansin pa natin yan kesa sa mga nilalaman ng pahayag ni Santiago laban sa senador na mula sa Cagayan.

Puro lamang salita ang mga yan. Buti pa nga sa ibang bansa, ang mga pulitiko, nagrarambulan eh. Masyado rin kasi tayong resilient eh, dinadaan sa diplomasya ang lahat. Hindi sana masama. Pero kung entertainment value ang hanap mo, gayahin na lang ang konsepto ng programa ni Jerry Springer, o yung nasa World Wrestling Entertainment.

At narito naman ang aking mga suhestiyon:

Ipagbawal ang paghahawak sa mga gadget pag may nagsasalita. Basic courtesy rule lang sa speaker. Masyado tayong nakakabastos pag ang mata natin ay nasa cellphone, tablet, o kahit digicam habang tayo ay nakikidaos sa isang talumpati. Hindi siya andyan sa podium para dedmahin o gaguhin mo. Kung hindi mo lang trip makinig o kung inaantok ka sa sa mga sinasabi niya, libreng lumabas. Pero pag siya ang nasa harapan, good luck kung makakapag-“May I go out?” ka.

Kung hindi naman konektado sa paksa ang sasabihin sa privilege speech, huwag na itong sabihin o ni idagdag pa. Parang awa niyo na. Hindi lahat ng tao ay interesado kung chicks mo nga ang dating chief of staff mo, o kung ano ang resulta ng psychiatric exam niya. Hindi porket public figure kayo ay hahayaan niyo na lang ibulatlat sa ang mga bagay na dapat ay nakareserba lamang sa inyong pribadong estado ng buhay niyo. Madali pa naman mapain ang media at publiko sa mga sinasabi niyo, at bumebenta sila kapalit ay ang inyong katiting na lihim at dangal.

Huwag idaan sa privilege speech ang mga patutsada. Gawin ito ng harapan. Parang yung debate ng ABS-CBN, tapos gawing host dun si Ka Tunying o Tiyang Amy. O siguro, para mas maintindihan kayo ng masa, gawin ito sa form ng rap battle. Yun nga lang, kayo ang maghanap kung sinong tatayo na parang si Anygma dun.

Gawing rated SPG ang mga media coverage na may kinalaman dito. Dahil hindi naman lahat ng bata ay nag-aaral at bagkus ay nakatambay lang sa kanilang mga bahay, kuna manunood sila ng mga ganung palabas, kailangan may “istriktong patnubay at gabay” ng magulang ang kailangan.

Hindi tayo nagbabayad ng buwis para manood ng mga kaganapan sa Senado na parang isang teleserye na laging may kasunod na kabanata ang mga eksena (besides, mas magaling pa rin sa aktingan si Tessie Tomas at Noel Trinidad kesa kila MDS at JPE no). Kaya please lang, mula sa mga boss niyo, umayos kayo!


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...