Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, December 11, 2013

Citizen Journalism: The Next Big Thing?

7/26/2013 5:07:38 PM

Naalala ko ang isang grupo ng mga estudyante noon na pinaunlakan ko ng panayam. Ukol kasi ito sa kanilang thesis na may kinalaman sa citizen journalism.

Aba, sa dinami-dami ba naman ng mga nilalang na pwedeng innterviewhin, bakit ako pa? Pero sa kabila ng pagdududa na unang naisip ng aking utak, tinanggap ko ang alok dahil sa kahit papaano ay may bumibilib pala sa akin ukol sa pagba-blog ko ukol sa mga kaganapan sa ating lipunan. Pasalamat pa ako dahil pakiramdam ko tuloy ay may naiimpluwensyahan pa pala ako sa mga sinusulat ko. Pustahan, karamihan sa mga mahihilig magabasa ng mga artikulo sa internet ngayon, ay hindi naman talagang interesado sa mga nagaganap sa kanyang paligid.

Dati ay may naisulat na ako ukol sa citizen journalism. Pero hayaan n’yo ang inyong lingkod na muling magbigay ng pahayag ukol dun sa lengwaheng naiintindihan ng nakararami sa atin. Come on, pang-Pinoy lang ‘to kaya ilalahad ko naman ang aking alam sa wikang Filipino.

Pero patok nga ba sa atin ngayon ang “citizen journalism?”


Sa tingin ko, medyo oo na medyo hindi. Malabong sagot, ‘di ba? Huwag kang mag-alala, ipapaliwanang ko yan kung bakit hati ang wika ko ukol d’yan.

Medyo oo, dahil may bahagi pa rin naman ng ating populasyon na nakikialam sa kanyang kapaligiran. At medyo hindi dahil, obviously, wapakels sila. Bakit ganun? Dahil sa citizen journalism kasi, natuto ang isang tao na maging aware sa mga pangyayari na maaring maging laman ng balita na kailangan rin naman ng sinumang maunood nito. Kaya nga nagsilabasan at umusbong ang mga platapormang may kinalaman sa citizen journalism tulad na lamang ng You Scoop ng GMA 7 saka ang Bayan Mo iPatrol Mo ng ABS-CBN.

Una silang napansin noong kasagsagan ng eleksyon, noong panahon na hinihikayat ng mga media organizations na ‘to ang mga mamamayan na maging mapagmatayag sa mga nangyayari sa kanilang bayan, lalo na’t sa pagpapatrol sa mga mala-anomalyang galaw ng mga pulitiko nun.

Pero ano nga ba ang naitutulong nga citizen journalism sa ating lipunan? Nakakapag-ambag sila ng mga balita. Ganun kasimple, napapadali ang mga trabaho ng mga tauhan sa news gathering/production department tulad ng mga researcher, news writer at pati na rin ang mga reporter mismo.

Ayos sana, dahil nakakatulong sila sa bayan. Kaso, may problema lang: kulang sa ethical standard, o minsan, hindi pa balance ang ulat. Minsan kasi ang mga ulat na naipapadala sa pamamagitan ng video, o kahit litrato lamang, ay naglalarawan lamang ng isang panig ng kada kwento. Hindi ito sapat kung balanced news reporting ang hanap mo.

Tignan mo na lamang nag mga naging viral hit sa social media sa mga nakalipas na taon. bagamat big scoop ito sa parte ng netizen na nakakuha nito, ang mga subject naman ng mga naturang citizen journalism report ay tila umaaray dahil sa pambubully ng mga netizens na nakialam. Nariyan ang tinatawag na “conspiracy.” At madali ring mapaniwala ang mga tao porket may video. Kunsabagay naman kasi, hindi naman posibleng magsinungaling ang mga clip na ‘to, ‘di ba? Lalo na’t hindi sila scripted o acting lang,. Pero minsan kasi, kulang pa rin e. Bitin ba.

Kung sa kaso ng pagkakaroon ng pagkukulang sa ethical standards, dito lang nagagwan ng mga media news organizations ng pamamraan, at dito pumapasok ang censorhip.

Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, hindi ko tahasang ine-encourage ang citizen journalism. Hindi naman dahil sa kadahilanan na hayaan natin ang traditional media ang gumawa ng kanilang trabaho. Kundi dahil sa mga kadahilanang hindi pa totally alam ng tao ang kanilang kapangyarihan bilang isang netizen, at kung gaano katindi ang kapangyarihan ng media para pasikatin o sirain ang isang tao.

Sariling diskresyon na lamang ito ng sinumang magtatangka.

Ngapala, salamat sa mga estudyanteng yun ng Mass Communication na taga-Lyceum of the Philippines University sa Laguna. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko maibabahagi ang aking pananaw ukol sa paksa ng thesis n’yo.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...